Palasyo nangakong aalamin sa PNP ang listahan ng mga artistang sangkot sa droga | Bandera

Palasyo nangakong aalamin sa PNP ang listahan ng mga artistang sangkot sa droga

|September 25,2016
facebook
share this

Palasyo nangakong aalamin sa PNP ang listahan ng mga artistang sangkot sa droga

- September 25, 2016 - 04:42 PM
mexican-drug SINABI ng Palasyo na aalamin nito sa Philippine National Police (PNP) kung may listahan nga ito ng mga pangalan ng mga artista na sangkot sa droga.

Sa isang panayam, idinagdag ni Communications Secretary Martin Andanar na wala siyang direktang impormasyon kaugnay ng mga nasa showbiz na gumagamit at tulak ng droga.

“Aalamin natin sa Philippine National Police. Iyan po ay narinig ko rin po. I heard it through the grapevine but for me to say that I have direct knowledge, kung meron ganon, wala po,” sabi ni Andanar.

Nauna nang napaulat na may isinumiteng listahan ang PNP kay Pangulong Rodrigo Duterte ng mga pangalan ng mga artista at iba pang nasa mundo ng showbiz na sangkot din sa iligal na droga.

Tinutulan naman ng aktor na si Robin Padilla ang pagsasapubliko ng listahan ng mga artistang sabit sa droga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending