Manugang na may sakit sa kidney, ipapagamot ng jackpot winner | Bandera

Manugang na may sakit sa kidney, ipapagamot ng jackpot winner

Leifbilly Begas |September 25,2016
facebook
share this

Manugang na may sakit sa kidney, ipapagamot ng jackpot winner

Leifbilly Begas - September 25, 2016 - 04:30 PM
  lotto for site Maituturing na isang blessing ang P55 milyong panalo ng 60-anyos na lalaki dahil maipapagamot na niya ang kanyang managing na mayroong sakit sa kidney.      Ang nanalo ay isang construction worker na taga-Cavite. Mayroon siyang asawa at tatlong anak.      Siya ang nanalo ng P55.4 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 noong Setyembre 5 at nag-iisang tumaya sa mga numerong 5-11-12-17-25-31.      Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office kinuha ng nanalo ang mga numero mula sa kaarawan ng kanyang mga mahal sa buhay.      Noong 1996 pa umano siya nagsimulang tumaya sa lotto.      Sinabi ni PCSO General Manager Alexander Balutan na ang nanalo ay tumaya ng P40 sa bola na kanyang napanalunan.      Sa bawat P1 itinataya sa lotto, ang 55 sentimos ay napupunta sa Prize Fund, 30 sentimos sa Charity Fund at ang nalalabi sa gastusin sa operasyon nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending