Aiko kay Leila de Lima: Hindi pwede ang pusong mamon dito! | Bandera

Aiko kay Leila de Lima: Hindi pwede ang pusong mamon dito!

Ervin Santiago |September 25,2016
facebook
share this

Aiko kay Leila de Lima: Hindi pwede ang pusong mamon dito!

Ervin Santiago - September 25, 2016 - 12:35 AM

AIKO MELENDEZ AT LEILA DE LIMA

AIKO MELENDEZ AT LEILA DE LIMA

NAG-POST ng mahabang mensahe si Aiko Melendez sa kanyang Facebook account para kay Sen. Leila de Lima na patuloy na bina-bash ngayon sa social media.

Ayon sa aktres, sa pinagdaraanan ngayon ng dating Kalihim ng Department of Justice dapat daw itong mas maging matatag ngayon sa pagharap sa isyung kinasasangkutan niya tungkol sa droga. Tila gustong iparating ni Aiko kay De Lima na tigilan na ang pagdadrama sa harap ng mga camera.

Ayon sa dating konsehal ng Quezon City, “Sa Filipino culture, mataas ang respeto natin po sa mga babae. At lalo na kung papasok ka sa mundo ng pulitika, dapat matibay and puso, paninindigan, at higit sa lahat prinsipyo sa buhay Otherwise, makakain ka ng sistema ng pulitika.

“Sa nangyayari kay Sen. De Lima na diumano Drug Protector, ayon sa mga naglalabasang ebidensya laban sa kanya, dapat maging matibay din ang loob niya sa pagharap at pagpapatunay niya ng kanyang side kung siya ay inosente. Di pwede ang pusong mamon dito.

“Nung panahon na binabatikos niya kaliwat kanan ang mga taong sangkot sa mga illegal na activities sa ating lipunan, di naman niya din naisip na maaaring ang mga taong sangkot ay me anak na babae or nanay.

“Kaya sa paglilitis ngayon sa Drug protector issue, dapat harapin niya ito bilang isang lider na di niya kinakailangan igiit na sya ay babaeng binabastos at pinagtutulungan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending