Carla, Ryan swak na swak ang timing sa comedy | Bandera

Carla, Ryan swak na swak ang timing sa comedy

Ronnie Carrasco III |September 24,2016
facebook
share this

Carla, Ryan swak na swak ang timing sa comedy

Ronnie Carrasco III - September 24, 2016 - 12:20 AM

carla-abellana-at-ryan-agoncillo

Photo courtesy of gmanetwork.com

SARI-SARING kalokohan ang matutunghayan bukas sa episode ng Ismol Family nina Carla Abellana at Ryan Agoncillo na pinupuri na ng netizens dahil sa timing nila sa comedy.

Dahil sa galit ni Mama A ay kukuntiyabahin niya sina Bobong at Lance para mabiktima ng Budol-Budol Gang si Laura.

Ito ang magiging dahilan ng muntik na pagpapalayas sa kanya sa OABB. Buti na lang, to the rescue ang confused na si Bernie na magbubunyag sa pautot ni Mama A.

Sa ‘di kasi inaasahang pagkakataon ay Budol-Budol din pala ang muntik nang magpatalsik kay Jingo sa junk shop dahil kay Romana Rapida, isang babaeng ubod nang bilis magsalita para makapanloko ng tao.

Samantala, hindi naman papahuli ang mga bagets dahil isang pustahang kiss ng magsyotang sina Ethan at Yumi ang magtutulak sa binata para gumawa ng isang viral dance challenge video na tiyak na kabibiliban ng lahat ng makakapanood. In cahoots with Majay si Yumi para mas dumami and likes and shares ng video sa social media.

All this and a lot more sa Ismol Family bukas!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending