'May interesado pa ba sa pagbabalik ni Kris sa tv?' | Bandera

‘May interesado pa ba sa pagbabalik ni Kris sa tv?’

Ambet Nabus |September 23,2016
facebook
share this

‘May interesado pa ba sa pagbabalik ni Kris sa tv?’

Ambet Nabus - September 23, 2016 - 12:20 AM

kris-aquino

LAHAT na lang yata ng strategies ay nagawa na ni Kris Aquino para muli siyang maging “hot item” tulad ng dati.

Nagpaka-mysterious na siya, nagpilit sabayan ang mga headlines ng celebrity achievers, nag-emote ng pagiging honest at very loving. Nagkasakit, at kung anek-anek pang kadramahan. But sad to say, mukhang palpak ang mga ito.

Kung dati-rati’y marami ang pumapatol sa mga emote ni Kris, mukhang nag-iba na nga ang ihip ng hangin dahil parang wala nang masyadong interesado sa kanyang pagbabalik.

Pero sabi nga namin, let’s give her another chance, tingnan natin kung kakagatin pa ng publiko ang mga bagong pasabog niya kapag nagsimula na ang mga programa niya sa GMA 7.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending