Ahwel Paz nagsilbing guardian angel ng entertainment press | Bandera

Ahwel Paz nagsilbing guardian angel ng entertainment press

Reggee Bonoan |September 19,2016
facebook
share this

Ahwel Paz nagsilbing guardian angel ng entertainment press

Reggee Bonoan - September 19, 2016 - 12:30 AM

ahwel paz

TAUN-TAON ay nagsasagawa ng medical mission ang TV/radio host na si Papa Ahwel Paz para sa mga kasamahan sa entertainment media.

Naging panata na ni Papa Ahwel na pagsapit ng kaarawan niya (Agosto 27) ay may pa-medical mission siya na apat na taon na niyang ginagawa bilang adbokasiya kaya naman abut-abot ang pasasalamat naming lahat dahil yearly ay libre ang aming general check-up. At bukod diyan ay may libre pang masarap na almusal at tanghalian.

Actually, limang taon na itong ginagawa ni Papa Ahwel na nagsimula sa kanyang Don Juan Restaurant pero hindi niya ito isinama sa bilang dahil hindi naman ito sponsored ng De Los Santos Medical Center.

Lagi rin niyang ikinukuwento sa kanyang speech na mahirap maging mahirap lalo na kapag maysakit dahil hindi nga kayang magpagamot. Kaya titiisin na lang ang nararamdaman hanggang sa lumala o kaya ay mag-self medication na nauuwi sa kumplikasyon.

Kaya parating ibinabahagi ni Papa Ahwel ang mga pinagdaanan niyang hirap noong bata pa siya hanggang sa narating niya ang kinalalagyan niya ngayon bunga ng pagsisikap ay para maging ehemplo siya sa mga kasamahan sa hanapbuhay.

Kaya nagpapasalamat kami kay Papa Ahwel at sa The Executive Office, Administration and Medical Staff of De Los Santos Medical Center, Raul C. Pagdanganan, President and CEO at Dr. Nilo De Los Santos, Vice President for Medical Affairs para sa success ng ikaapat na “I LOVE MY FAMILY Medical Mission for the Members of the Media.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending