Mapua Cardinals asinta ang huling NCAA Final Four spot | Bandera

Mapua Cardinals asinta ang huling NCAA Final Four spot

Angelito Oredo |September 15,2016
facebook
share this

Mapua Cardinals asinta ang huling NCAA Final Four spot

Angelito Oredo - September 15, 2016 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(The Arena, San Juan)
2 p.m. San Sebastian vs EAC
4 p.m. Mapua vs St. Benilde
Team Standings: Arellano* (13-3); San Beda* (12-4); Perpetual Help* (11-5); Mapua (10-5); JRU (9-8); Letran (8-9); San Sebastian (6-10); Lyceum (6-11); EAC (5-10); St. Benilde (0-15)
*- Final Four slot

PILIT na isasara ng Mapua Institute of Technology ang pintuan sa mga kalaban sa pagtatangka nitong masungkit ang ikaapat at huling silya sa Final Four sa pagsagupa sa naghahanap pa rin sa pinakauna nitong panalo na College of St. Benilde ngayong hapon sa 92nd NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Huling nasungkit ng Cardinals ang tsansa sa playoff para sa silya sa Final Four matapos nitong patalsikin ang Letran Knights, 77-72, noong Martes.

Awtomatiko nitong ookupahan ang silya sa Final Four kung magagawa nitong magwagi kontra Blazers, na hindi pa rin nakakatikim ng panalo sa nakalipas nitong 15 laro sa ganap na alas-4 ng hapon.

Bitbit ng Mapua ang kabuuang 10-5 panalo-talong record at makakasama nito ang Arellano University (13-3), San Beda College (12-4) at University of Perpetual Help (11-5) sa Final Four.

Gayunman, nasa kontensiyon pa rin ang Cardinals sa labanan para sa twice-to-beat advantage dahil mayroon pa itong natitirang tatlong laro.

Inaasahang sasandigan ng Mapua ang kasalukuyang MVP na si Allwell Oraeme na nagpamalas muli ng matinding laro sa itinal na 21 puntos at 23 rebounds habang nag-ambag sina Denniel Aguirre, Joseph Eriobu at Shane Menina na nagtala ng 12 puntos sa panalo kontra sa Knights.

Ayaw naman ni Oraeme na magkumpiyansa ang Mapua kontra sa St. Benilde na nagnanais iwasan ang kahihiyan na mabigo sa lahat ng laro nito ngayong taon.

“We have to treat all the teams with respect and play hard every game,” sabi ng 20-anyos na si Oraeme.
Magsasagupa nama ang San Sebastian (6-10) at Emilio Aguinaldo (5-10) sa non-bearing na laro alas-2 ng hapon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending