Janella, Elmo marami pang pasabog sa bonggang live ending ng Born For You | Bandera

Janella, Elmo marami pang pasabog sa bonggang live ending ng Born For You

Ervin Santiago |September 15,2016
facebook
share this

Janella, Elmo marami pang pasabog sa bonggang live ending ng Born For You

Ervin Santiago - September 15, 2016 - 12:10 AM

janella salvador at elmo magalona

MAGING matibay pa rin kaya ang red string na nag-uugnay kina Sam (Janella Salvador) at Kevin (Elmo Magalona) o tuluyan na nga ba itong mapuputol?

Ito ang dapat abangan ng mga manonood ngayong mas dumarami na ang humahadlang sa kanilang pag-iibigan sa huling linggo ng Kapamilya primetime series na Born For You.

Hindi na nga mapigilan ang gulo sa pagitan nina Marge (Ayen Munji-Laurel) at Cathy (Vina Morales) sa paghahanap ng huli ng hustisya para sa kamatayan ng kanyang asawa. Dahil sa sakit na nadarama ng kanyang ina, mas pipiliin ni Sam na kalimutan na lang si Kevin at ipagpatuloy ang kanilang laban para sa katotohanan.

Ngunit hindi naman susuko si Kevin na ipakita ang kanyang wagas na pagmamahal para kay Sam at patutunayang sila ang itinadhana para sa isa’t-isa.

Ngayong mas gumugulo ang kanilang mga buhay dahil sa sikreto ng nakaraan, paano pa maipaglalaban nina Sam at Kevin ang kanilang pagmamahalan? Paano maaayos ang daan upang magtagpo ang kanilang mga kapalaran?

Lubos na tinutukan at kinakiligan ang kuwento ng pag-iibigan nina Sam at Kevin. Kinaantigan din ang serye dahil sa pagpapakita nito sa mga manononod na posibleng matupad ang mga pangarap basta’t samahan ito ng pagsisikap gaya ni Sam.

Sa kanila namang unang tambalan sa telebisyon, hindi matatawaran ang kilig na dala ng ElNella sa fans ng serye. Kinabiliban din sila sa kanilang talento sa pagkanta na kanilang ipinamalas sa mga eksena sa programa.

At sa pagtatapos ng serye bukas, matutunghayan ng mga manonood ang pagwawakas ng kuwento ng pag-iibigan nina Sam at Kevin nang live mula sa KIA Theater.

Huwag palampasin ang mga sorpresang ihahandog ng buong cast ng Born For You na siguradong kagigiliwan ng lahat, lalo na ang mga inihandang production numbers nina Janella at Elmo.

Sa direksyon nina Onat Diaz at Jon Villarin, sa ilalim ng Dreamscape Entertainment, tutukan ang kilig at live musical grand finale ng Born For You pagkatapos ng Till I Met You sa ABS-CBN Primetime Bida.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending