Daniel gumastos ng P100-M para sa bagong mansyon ni Karla | Bandera

Daniel gumastos ng P100-M para sa bagong mansyon ni Karla

Julie Bonifacio |September 13,2016
facebook
share this

Daniel gumastos ng P100-M para sa bagong mansyon ni Karla

Julie Bonifacio - September 13, 2016 - 12:05 AM

karla estrada at daniel padilla

ILANG buwan na lang ay matatapos na ang bagong bahay ni Queen Mother Karla Estrada. Mas malaki at grandyoso ang pangalawang bahay ng TV host-singer na itinayo sa panahon ng kainitan ng showbiz career ng kanyang anak na si Daniel Padilla.

Binigyang katuparan ni Daniel ang matagal nang inaasam-asam na dream house ni Karla. We heard, hindi raw bababa sa P100 million ang halaga ng new house ni Karla.

Ganyan kabuting anak si DJ hindi lang sa kanyang ina kundi maging sa tatay niyang si Rommel Padilla.
No wonder patuloy na bini-bless ang young actor.

That’s the reason kung bakit very positive ang mga “nakapalibot” kay Daniel at ang Star Cinema na kikita ng mas higit pa sa nakaraan nilang pelikula ni Kathryn Bernardo ang latest movie nila na “Barcelona” sa direksyon ni Olive Lamasan.

Ngayon pa lang ay usap-usapan na ang ilan sa mga linyang ipinapakita sa trailer ng “Barcelona” na tumatak agad sa fans, huh! Kaya nangangamoy blockbuster muli ang bagong movie ng KathNiel na showing na bukas sa higit 100 cinemas.

Ibang-iba ang hitsura nina Daniel at Kathryn sa “Barcelona.” Buhok pa lang ay halata nang nag-mature na ang sikat na loveteam sa mga pa-tweetums na roles nila in their past movies.

Going back to Karla, bago ang dream house niya, gusto rin ni Queen Mother ang makabili o makapagpatayo ng sarili nilang building ni Daniel around Quezon City. Isa ito sa mga investments na gustong gawin ni Karla mula sa kita ni Daniel sa showbiz.

Pilit naman pinagkukumpara ng netizens ang bagong bahay ni Karla sa itinatayo rin na bagong mansion ni Kris Aquino. Iniintriga nila kung alin daw ang mas mahal at bonggacious ang design.

Kabugin daw kaya ng mansion ng Queen of All Media ang palasyo ni Queen Mother?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending