Duterte pinapaalis na ang US forces sa Mindanao; media pinagbawalang mag-live ng talumpati | Bandera

Duterte pinapaalis na ang US forces sa Mindanao; media pinagbawalang mag-live ng talumpati

|September 12,2016
facebook
share this

Duterte pinapaalis na ang US forces sa Mindanao; media pinagbawalang mag-live ng talumpati

- September 12, 2016 - 04:28 PM

duterte3-0802

PINAPAALIS na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng special force ng United States (US) sa Mindanao.

“Kaya yung mga special forces, they have to go. They have to go in Mindanao. Maraming mga puti roon. We have to go,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati matapos pangunahan ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng gobyerno.
Nauna nang nagpalitan ng mga pahayag sina Duterte at US President Barack Obama, kung saan minura pa ng una ang huli, na nauwi sa pagkansela ng sa kanilang pagpupulong matapos kapwa dumalo sa Association of Southeast Asian Nation (Asean) Summit sa Laos.
“Kapag nakakita ng Amerikano ‘yan, patayin talaga iyan. Kukunan ng ransom iyan, patayin. Even if you’re a black or a white American, basta American…” dagdag ni Duterte.
Pinagbawalan naman ang mga miyembro ng Malacanang Press Corps (MPC) na i-live ang talumpati ni Duterte, bagamat may ilan na nakalusot at nakapag-live sa kani-kanilang Facebook.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending