Kilalang male personality nawalan na nga ng trabaho tuloy pa rin sa mga bisyo | Bandera

Kilalang male personality nawalan na nga ng trabaho tuloy pa rin sa mga bisyo

Cristy Fermin |September 01,2016
facebook
share this

Kilalang male personality nawalan na nga ng trabaho tuloy pa rin sa mga bisyo

Cristy Fermin - September 01, 2016 - 12:10 AM

BLIND ITEM MALE 0316

MARAMING nangangamba para sa kinabukasan ng isang male personality na maganda na sana ang takbo ng kabuhayan ngayon.

Nagbunga na ang kanyang mga pangarap, natupad na ang kanyang mga hiling, pero bakit nga ba maraming nag-aalala sa kanyang pangkabuhayan showcase?

Madalas kasing nakikita ang lalaking personalidad sa isang lugar na mausok at maingay, pindot siya nang pindot, taya nang taya sa pag-asang makababawi siya sa napakalaki na niyang naipupuhunan sa kanyang bisyo.

Matagal na siyang nakikipagsapalaran sa buhay, kung minsan ay nakangiti siyang umuuwi, pero kadalasan ay lupaypay dahil olat na naman ang lolo n’yo.

Kuwento ng isang source, “Di nga ba, kilala na siya ng mga taxi drivers dahil kung minsan, e, umuuwi siyang walang-wala nang datung! Talo na naman siya, ubos ang kanyang puhunan, lupaypay ang katawan.

“Kasi naman, ang ganda-ganda na nga ng takbo ng buhay niya, nabiyayaan na siya nang todo, pero hindi pa niya iniingatan. Hindi naman lahat, e, sinusuwerteng katulad niya, di ba?

“Hindi na lang kasi niya palaguin ang naipon niya, ipinangbibisyo pa niya, kaya ang dami-daming nag-aalala ngayon na baka sa kangkungan siya mauwi!” napapailing na kuwento ng isang impormante.

Desperado na kuno ngayon ang male personality dahil wala na siyang trabaho, kakaunti na lang din ang kanyang mga kaibigan dahil wala na siyang hawak na kahit maliit lang na kapangyarihan, maraming galit ngayon sa kanya dahil sa isyu ng kawalan ng katapatan.

“Nakakapag-alala lang na baka isang araw, e, balik na naman siya sa dati niyang buhay. Kapag hindi pa siya nagising nang maaga, kapag hindi pa nauntog nang malakas ang ulo niya sa katotohanan ngayon, e, baka may kalagyan siya.

“Ang sabi niya nu’n, e, nagsikap siya dahil ayaw na niyang maghirap uli. Mangyayari ba ‘yun kung ganyan na nagbibisyo siya?

“Naku, nakakabahala talaga ang male personality na ‘yun, Bradly Guevarra, baka pulutin siya sa basurahan kapag hindi niya tinigilan ang bisyong umuubos sa kabuhayan niya ngayon!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending