Jaclyn Jose bagong pampa-good vibes ng mga Pinoy | Bandera

Jaclyn Jose bagong pampa-good vibes ng mga Pinoy

Ervin Santiago |September 01,2016
facebook
share this

Jaclyn Jose bagong pampa-good vibes ng mga Pinoy

Ervin Santiago - September 01, 2016 - 12:25 AM

jaclyn jose

SA pagsisimula ng Setyembre, siguradong gaganahan ang Kapuso viewers sa handog na laugh trip ng GMA comedy shows na A1 Ko Sa ‘Yo at Bubble Gang tuwing Huwebes at Biyernes ng gabi.

Isang wild na gabi ang dala ng A1 Ko Sa ‘Yo tonight dahil isang kaibigan ng A1 family ang ikakasal. Siguradong hindi mawawala ang stag party at bridal shower sa isa na namang nakakalokang episode na ito. Pero may problema dahil ang couple na parehong seloso at selosa, parang ayaw na ituloy ang plano.

Dapat kayang itigil ang kasal? Ano ang magiging epekto nito kina Digna (Jaclyn Jose) at Rolly (Gardo Versoza)? In fairness ha, talagang kinakarir na ni Jaclyn ang pagko-comedy kaya naman aliw na aliw sa kanya ang manonood. Siya na ang bagong pampa-good vibes ng viewers.

Samantala, ngayong Biyernes, tuloy-tuloy sa paghahatid ng kakaibang laugh trip ang Bubble Gang kasama ang Kapuso guest celebrities na sina Barbie Forteza, Wynwyn Marquez, Andrei Paras, Mahal, Jak Roberto, Jay Arcilla at Aljur Abrenica.

Saksihan ang isang spoof ng reality investigative program kasama si Bitoy sa “Sumbong Sumbong” at maki-update sa pag-broadcast ng kabaligtarang report sa “Opposite News.”

Makitawa sa “Engkantodo”, ang spoof ng pinakabagong telefantasya ng GMA, ang Encantadia at siguradong good vibes ang hatid ng comedy skit na “Hoy Bata” kung saan magpapakita ito ng child mannerism kung saan batang 90’s lang ang makakaintindi.

Huwag din magpahuli sa mga hugot ni Bitoy habang naglalaro ng bilyar at maki-laugh out loud sa grupo ng mga taong kumakanta ng novelty songs tungkol sa lalaking pinepeke ang sakit para sa limos.
Abangan ang harot night episode ng A1 Ko Sa ‘Yo bukas, at ang babol night episode ng Bubble Gang ngayong Biyernes pagkatapos ng Juan Happy Love Story sa GMA Telebabad.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending