Heart, Dennis inaatake ng 'sepanx', mami-miss ang isa't isa | Bandera

Heart, Dennis inaatake ng ‘sepanx’, mami-miss ang isa’t isa

Jun Nardo |August 31,2016
facebook
share this

Heart, Dennis inaatake ng ‘sepanx’, mami-miss ang isa’t isa

Jun Nardo - August 31, 2016 - 12:25 AM

dennis trillo at heart evangelista

GOODBYE na kina Juan at Happy, ang characters na ginampanan nina Dennis Trillo at Heart Evangelista sa maharot na GMA series na Juan Happy Love Story.

Hanggang Friday na lang ito mapapanood at nagiging seryoso na nga ang main characters na kung kelan nga nagkakasundo ay patuloy namang umeeksena ang asungot na si Agatha played by Kim Domingo. Sa panig ni Dennis, nagsilbing stress reliever niya ang series ito dahil mas nakilala nga siya ng publiko bilang dramatic actor. So, sa pagtatapos ng series, nakakadama na siya ng separation anxiety, huh!

“Nakakalungkot at nakakabigla na magtatapos na agad. Siguro ganoon talaga kapag nag-i-enjoy ka, lalo na dahil laging masaya sa set. Hindi stressful ang mga eksena, light lang ang ginagawa ninyo at masaya rin ang kasama ninyong staff and crew at director namin.

“Maraming eksena rito na first time naming nagawa. Si Heart nga lang, marami siyang nagawa na inakala niyang hindi niya kayang gawin. Nakakatuwa na every project na ino-offer sa akin, iba-iba. At least iba ito.

“Ang isa pang nakakapagpangiti sa amin eh, mula nu’ng magsimula hanggang sa pagtatapos ng show, pinag-uusapan ito, may nagku-comment na netizens na nagpapataba ng puso namin,” pahayag ni Dennis.

Maging ang co-star nina Dennis at Heart na si Jorross Gamboa ay naging paborito ang JHLS.
“Para siyang isang sitcom na soap opera. Kumbaga hindi siya dull pagdating sa story na relatable talaga at sa characters din. Bihira ‘yung ganitong show,” saad ni Joross.

After JHLS, tatapusin ni Dennis ang movie na “Bakit Lahat Ng Guwapo May Boyfriend” with Anne Curtis and Paolo Ballesteros. Si Joross naman ay magpapaka-singer at komedyante bilang isa sa celebrity contenders sa bagong reality talent show ng GMA 7 na Superstar Duets hosted by Jennylyn Mercado.

Si Heart naman ay tututok muna sa pagiging visual artist bago ang inaasam na pagbubuntis para sa first baby nila ni Sen. Chiz Escudero.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending