Matulis na aktor nagbago na, nagpakaloyal sa isang dyowa | Bandera

Matulis na aktor nagbago na, nagpakaloyal sa isang dyowa

Cristy Fermin |August 31,2016
facebook
share this

Matulis na aktor nagbago na, nagpakaloyal sa isang dyowa

Cristy Fermin - August 31, 2016 - 12:15 AM

BLIND ITEM MALE 0504

MATULIS talaga ang isang nagkakaedad nang aktor. Palibhasa’y kilala siya at guwapo, natural lang na kinikilig sa kanya ang mga kababaihan, napakadali para sa kanya ang magkaroon ng karelasyon.

Bagets pa nu’n ang aktor ay marami na siyang nakarelasyong artista, mga sikat at nagpapaligsahan sa pagandahan, napakatulis nga ng aktor na ito.

Puro panandalian lang ang kanyang relasyon, kahit sa mga babaeng ihinarap niya sa altar ay ganu’n din ang igsi ng kanilang pagsasama, nag-iiwan ng “alaalang buhay” ang guwapong aktor sa mga nakakarelasyon niya.

Kuwento ng aming source, “Grabe ang pagiging babaero ni ______ (pangalan ng guwapo at popular na aktor), wala siyang kupas! Imagine, umalis lang sandali ang girlfriend niya nu’n at nangibang-bansa, pagbalik ng girl, e, meron na siyang bagong karelasyon!

“Iniyakan nang todo ‘yun ng girl na may korona sa ulo, bakit nga naman ganu’n, napakaayos pa nila nu’ng mag-abroad ang babae, pero pagbalik niya, e, may bago nang karelasyon ang boyfriend niya?

“Ganu’n katindi. Sandali lang na mawalay sa kanya ang girl, nakikipagrelasyon na sa iba ang aktor na ito. Ano nga ang sabi nu’n ng isang aktres na naanakan niya?

“Damitan mo lang kuno ang tinidor at kutsara at siguradong papatusin din ng guy na ‘yun.
“Masyado ngang mainit ang kanyang libido, ayaw niyang napapahinga, kaya palit siya nang palit ng girlfriend,” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Pero ngayon ay behave na ang guwapo at popular na aktor, isang babae na lang ang karelasyon niya, ito ang girl na sumalo sa kanyang walang direksiyong buhay nang manirahan siya sa ibang bansa.

“Naku, Bradly Guevarra, kailangan ko pa bang sabihin sa iyo ang pangalan ng aktor na ito sa araw at gabi? Araw-araw, gabi-gabi, ganu’n?” pagtatapos ng aming humahalakhak na source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending