Bangayang Duterte-De Lima tinalbugan ang mga iskandalo, intriga sa showbiz | Bandera

Bangayang Duterte-De Lima tinalbugan ang mga iskandalo, intriga sa showbiz

Cristy Fermin |August 31,2016
facebook
share this

Bangayang Duterte-De Lima tinalbugan ang mga iskandalo, intriga sa showbiz

Cristy Fermin - August 31, 2016 - 12:35 AM

rodrigo duterte at leila de lima

KABOG na kabog ngayon ng mundo ng pulitika ang balwarte ng showbiz.

Mas mainit na tinututukan ngayon ang mga kaganapan sa pulitika, lalo na ang hidwaan sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Senadora Leila de Lima, kumbaga sa showbiz ay ang kanila ang pinakakontrobersiyal.

Grabe ang mga pagpapalitan nila nang maaanghang na salita, personalan kung personalan, lalo na ang mga pagbubunyag ng ating pangulo tungkol sa lovelife ng senadora.

Komento ng kaibigan naming propesor, “Ano ito, kinakabog na ng politics ang mundo ng mga artista! ‘Yung tungkol lang sa mga personalities na kasama raw sa listahan ng drug users ang maingay, e, off shoot lang naman ‘yun ng kampanya ng PNP ngayon kontra sa droga!

“Grabe, binubulabog ni Ka Digong ang buong mundo, hanggang sa CNN, may moment siya, nakakaloka! Nasa mundo ng pulitika na ngayon ang malalaking isda, sila na ang pinag-uusapan, ano pa ang naiiwanan sa showbiz ngayon?

“Puro isdang maliliit na lang, mga gurami, walang bagong issue, matamlay ang showbiz ngayon!” tawa nang tawang pahayag ni prop. Marami pa rin namang maiinit na balitang-artista ngayon, kaya nga lang ay mas mainit ang salpukan ng mga pulitiko, kaya napagkukumpara ang dalawang mundong ito.

Ang inaabangan ngayon ng ating mga kababayan ay ang paglaya ng magkaibigang Senador Jinggoy Estrada at Senador Bong Revilla. Ang tanong, totoo kayang si Senadora Leila de Lima ang ookupa sa kanilang piitan kapag nakalaya na sila?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending