Boy kay Sandara Park: I'm sorry! | Bandera

Boy kay Sandara Park: I’m sorry!

Ervin Santiago |August 31,2016
facebook
share this

Boy kay Sandara Park: I’m sorry!

Ervin Santiago - August 31, 2016 - 12:15 AM

boy abunda at sandara park

NAG-ISSUE ng public apology on national TV ang award-winning TV host na si Boy Abunda para sa K-Pop star na si Sandara Park.

Sa episode ng Tonight With Boy Abunda, nag-sorry ang TV host matapos nitong tanungin si Sandara kung ano ang “most unforgettable thing” na nasabi niya sa dalaga noong maging contestant sa dating reality show ng ABS-CBN na Star Circle Quest.

“Sa dami mong sinabi sa akin, parang wala akong masyadong naaalala. Pero yung, ‘wala kang talent’ or ‘binili mo ba yung mga text votes,’ yung mga ganoon yung naalala ko. Pero alam ko yun, for the rating lang yun,” ang diretsong pahayag ni Dara na isa na ngayong kilalang singer-actress sa Korea.

Agad namang nag-dialogue si Boy Abunda ng, “Let me take this opportunity to apologize to you, I’m sorry.” Hirit naman ni Dara na isa sa magiging judge sa bagong talent search ng Dos na Pinoy Boyband Superstar, “Sinabi mo yun dahil you care for me.”

Na sinagot naman ng TV host ng, “Look at what happened. I was wrong. You became one of the biggest stars in Asia.” Ayon pa sa dating Kapamilya actress, malaki talaga ang natitulong ng constructive criticisms para magpursige ang isang artista sa kanyang craft at maabot ang kanyang pinapangarap na tagumpay.

Sa tanong kung for good na ang pamamalagi sa Pilipinas ng tinaguriang Pambansang Krungkrung, “Babalik ako, and going back to Korea – back and forth. Dahil sa Pinoy Boyband Superstar, feeling ko mas madalas na yung dating ko dito. Thank you.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending