Dalawa ang BF, Sino ang pipiliin? | Bandera

Dalawa ang BF, Sino ang pipiliin?

Joseph Greenfield |August 31,2016
facebook
share this

Dalawa ang BF, Sino ang pipiliin?

Joseph Greenfield - August 31, 2016 - 12:15 AM

Sulat mula kay Andrea ng Alfaro st., Tetuan, Zamboanga City

Dear Sir Greenfield,
Gusto ko na sanang mag-asawa dahil magtu-27 na ako sa darating na Oktubre 9. Ang problema ay dalawa ang boyfriend ko ngayon kaya nalilito ako kung sino ang dapat kong piliin sa kanilang dalawa. Ito ang dahilan kaya naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung sino ba sa dalawang boyfriend ko ang mas ka-compatible ko at dapat na piliin kung sakaling ako ay mag-aasawa na. November 17, 1988 ang birthday ng unang boyfriend ko habang January 23, 1989 ang birthday ng ikalawa.
Umaasa,
Andrea ng Zamboanga City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May dalawang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1. at 2.) sa iyong palad, sobrang maikli ang una (arrow 1.), samantalang mahaba at makapal naman ang ikalawa, (arrow 2.). Ibig sabihin, kung sino sa dalawang boyfriend mo ang ikalawang dumating sa buhay mo, mas malamang ang ikalawang lalaki na iyon ang makakasama mo sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya.

Cartomancy:
King of Clubs, Ten of Hearts at Ten of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung sino sa dalawang boyfriend mo ang “tall, dark and handsome,” siya ang iyong mapapangasawa.
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending