PH lady booters wagi agad sa AFC under-16 Women’s Championship Qualifiers | Bandera

PH lady booters wagi agad sa AFC under-16 Women’s Championship Qualifiers

Angelito Oredo |August 30,2016
facebook
share this

PH lady booters wagi agad sa AFC under-16 Women’s Championship Qualifiers

Angelito Oredo - August 30, 2016 - 12:00 PM

AGAD nagpakita ng pagnanais makapagtala ng kasaysayan ang Pilipinas sa pagsabak nito sa Asian Football Confederation (AFC) Under-16 Women’s Championship Qualifiers sa pagbigo sa India, 2-0, na ginanap sa Luneng Football School sa Weifang, China.

Anim na minuto lamang ang pinalampas ng mga Pinay booters upang unang makapagsalpak ng goal sa unang laro nito sa Group B matapos makita ni Tejanee Isulat ang pagkulapso ng depensa ng mga Indians upang makapagtala ng goal.

Nagpilit ang mga Indians na maitabla ang laban sa sunod-sunod na pag-atake subalit hindi man lamang nakatuntong sa box at sa isang pagkakataon ay nahuli pa ng Pinay goalkeeper.

Umiskor pa si Andie Tiongson kontra sa “run of play” sa ika-76 minuto upang doblehin ang abante at tuluyang selyuhan ang panalo ng Pilipinas.

Pilit na susundan ng Pinay booters ang matinding momentum sa pagsagupa nito sa Northern Mariana Islands ngayong hapon.

Sunod nitong makakasagupa ang Republic Korea sa Setyembre 3 at Malaysia sa Setyembre 5 para makumpleto ang kanilang nakatakdang laban sa grupo.

Kinakailangan ng mga Pinay na manguna sa kanilang grupo upang makapagkuwalipika sa susunod na taon sa walong koponan na kampeonato kung saan nauna nang nakatuntong ang defending champion North Korea, Japan, China at Thailand.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending