TV personality kabaligtaran ng malditang news anchor | Bandera

TV personality kabaligtaran ng malditang news anchor

Cristy Fermin |August 30,2016
facebook
share this

TV personality kabaligtaran ng malditang news anchor

Cristy Fermin - August 30, 2016 - 12:15 AM

BLIND ITEM  FEMALE 0318

MAY isang grupong nakakita sa isang news personality sa isang sosyaling mall.

Natural, dahil halos araw-araw siyang napapanood sa telebisyon ay agaw-pansin ang nagbabalitang female personality, para na rin siyang artista sa turing ng ating mga kababayan. Maganda ang babaeng personalidad, pang-beauty queen ang kanyang dating, palagi siyang nakangiti sa mga bumabati sa kanya.

Sabi ng aming source, “Nagsi-shopping siya, super-casual lang ang porma niya, mas maganda pa pala siya sa personal kesa sa TV. Kapag may bumabati sa kanya, parang yumuyukod pa siya sa pagpapasalamat sa mga taong nakakakilala sa kanya.

“Wala lang, natutuwa lang ako sa kanya dahil mabait siya. May mga kasamahan kasi siya sa pagnu-news na nakikita rin namin, pero parang ang hirap-hirap nilang batiin, may kasupladahan. “Tulad ni ____ (pangalan ng isang popular na female news anchor), twice na namin siyang nakita sa isang mall, very consistent siyang suplada, parang wala siyang nakikita kapag may bumabati sa kanya.

“Kung ano ang dating niya sa TV, ganu’n din ang dating niya sa personal, may kamalditahan siya, para siyang sikat na sikat na artista kung makaasta. Talagang parang wala siyang naririnig kapag may bumabati sa kanya.

“Ang laki-laki ng pagkakaiba nila ni ____ (ang magandang female news anchor), ang ganda-ganda niya, saka mabait siya. Hindi siya maldita, marunong siyang mag-appreciate sa mga taong bumabati sa kanya,” papuri pa ng aming source sa magandang news anchor.

Sa kanyang pagtatapos ay nagbigay na ng clue ang aming source, “Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, siguradong kilalang-kilala n’yo kung sino ang maganda at mabait na news anchor na ito.

“Matulungin din siya, di ba? Marami siyang natutulungang mga kababayan natin. Wish ko lang, maging tulad sana niya ang malditang female news anchor na parang bulag, pipi at bingi kapag may bumabati sa kanya!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending