Kailan magkaka-anak? (2) | Bandera

Kailan magkaka-anak? (2)

Joseph Greenfield |August 30,2016
facebook
share this

Kailan magkaka-anak? (2)

Joseph Greenfield - August 30, 2016 - 12:15 AM

Sulat mula kay Vicky ng Sihayon, Tagoloan, Misamis Oriental
Dear Sir Greenfield,
1. Masaya na sana ang pagsasama naming mag-asawa dahil nakakaraos naman kami sa aming mga pangangailagan at may konting savings pa kami kaya lang ang problema almost four years na kaming nagsasama, until now wala pa po kaming baby. Kumunsulta na din kami sa mga espesyalistang doctor pero wla ring nangyari, kaya naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung may pagasa pa kaya kaming magkaanak?
2. Kung mayroon pa, kailan naman kaya ako mabubuntis at kailan kami magkaka-baby, upang mahusto na ang ligaya naming mag-asawa? October 6, 1979 ang birthday ko at August 24, 1977 naman ang mister ko.
Umaasa,
Vicky ng Misamis  Oriental
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ang nagsasabing favorable sa inyong mag-asawa na gumawa ng baby sa pagpasok na pagpasok ng buwan ng Setyembre. Panayin ninyo ang pagtatalik sa mga panahong ito upang makabuo kayo at lalong mas maganda kung imbis na sa gabi ay sa tanghaling tapat o kaya’y sa umaga kayo magtalik ng madalas.
Physiognomy/Luscher Color Test/Graphology:
Dagdag ditto upang mas lalong madaling mabuntis magpaputol ka ng buhok at laging magsuot ng kulay na pula at pilitin mo ring pagkabitkabitin ang iyong sulat kamay. Sa ganyang paraan, mabubuntis ka na hanggang sa tuluyang magka-babay.
Punsoy Anlysis:
Dapat ding maglagay ng mga prutas na maraming buto, tulad ng pakwan, melon, bayabas, at iba pang kauri nito sa ibabaw ng mesang kainan. Sa tuwing makikita mo yan, mabubuhay ang iyong libido upang mas madaling makabuo ng sanggol.
Numerology:
Ang birth date mong 6 ay nagsasabing sa susunod na taong 2017 mabubuntis ka na upang pagsapit ng taong 2018 isang malusog at matalinong lalaking sanggol ang isisilang.
Huling Payo at paalala:
Vicky basta’t sundin mo lang ang mga mungkahing inilahad na sa itaas, at mas maganda din kung itutuon ang pagtatalik sa panahong nasa first quarter hanggang nasa full moon ang buwan sa langit at makikita mo sa ganyang paraan, umasa kang tulad ng nasabi na, kapag sinunod mo ang nasabing mga rekomendasyon sa itaas, sa taong 2017, mabubuntis ka upang pagsapit ng taong 2018, sa edad mong 39 pataas, isisilang na ang isang malusog at matalinong lalaking sanggol na kukumpleto sa pagasasama at pagmamahalan ninyong mag-asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending