Sidekick ni Uge, Kapuso comedian pasok sa Superstar Duets | Bandera

Sidekick ni Uge, Kapuso comedian pasok sa Superstar Duets

Ervin Santiago |August 30,2016
facebook
share this

Sidekick ni Uge, Kapuso comedian pasok sa Superstar Duets

Ervin Santiago - August 30, 2016 - 12:30 AM

divine and nar

MULA sa pagiging isang PETA theatre actor hanggang sa pag-arte sa telebisyon, talagang naipakita na ni Nar Cabico ang kanyang transformation bilang isang aktor. Pero para sa kanya, hindi pa ito nagtatapos doon.

In fact, sa kanyang pagganap bilang Shakira sa Kapuso primetime series na Beautiful Strangers noong 2015, napabilib niya ang Kapuso Premier Actress na si Lovi Poe sa kanyang pagganap. Ayon pa kay Lovi, lumutang ang versatility at dedikasyon ni Nar sa kanyang trabaho at sinabi pa ng aktres na kitang-kita kay Nar ang passion nito sa pag-arte dahil nadadala siya sa kanilang mga eksena.

Ngayong Setyembre, patutunayan ni Nar na hindi lang siya isang aktor kundi isang total performer dahil sa mga performances na ipapamalas niya sa pagsisimula ng pinakabagong GMA celebrity talent competition na SuperStar Duets na magsisimula na sa darating na Sabado.

Bukod kay Nar, nandiyan din ang magaling na komedyana na si Divine Grace, ang sidekick ni Eugene Domingo sa Dear Uge. Bilang galing sa mundo ng teatro, nakaramdam daw ng pag-aalangan si Divine sa pagiging sidekick ni Uge sa nasabing comedy anthology ng GMA dahil isang award-winning actress ang kanyang makakasama.

Pero kabaligtaran naman ang tingin ni Uge sa kanya dahil sa good vibes na dinadala ng aktres sa set, “Naku, magaling ang batang ito. Madalas akong mapatawa. Watch out for Divine kasi ibang klaseng pagpapatawa naman meron ito. Humihingi nga siya ng mga advice sa akin at sabi ko naman, just be herself, have fun. Positive lang!” ani Eugene.

Kaya naman, ngayong Setyembre abangan ang one-of-a-kind na mga pasabog na ihahatid ni Divine sa Kapuso viewers sa pagsisimula ng SuperStar Duets to be hosted by the Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado. Itatampok sa weekly program na ito ang pagsasama-sama sa iisang stage ng walong Filipino celebrity performers at ilan sa mga kilalang international music icons para sa isang one-of-a-kind live duet performance.

Ang magsisilbing mga hurado at pipili kung sino ang karapat-dapat na tanghaling kauna-unahang Superstar Duets champion ay sina comedian/TV host Allan K, Traffic Diva Aicelle Santos at ang Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista.

Mula sa direksyon ni Bert de Leon, abangan ang Superstar Duets tuwing Sabado ng gabi simula Setyembre after Magpakailanman sa GMA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending