P50M jackpot sa 6/58 Ultra Lotto nasungkit sa QC | Bandera

P50M jackpot sa 6/58 Ultra Lotto nasungkit sa QC

Leifbilly Begas |August 29,2016
facebook
share this

P50M jackpot sa 6/58 Ultra Lotto nasungkit sa QC

Leifbilly Begas - August 29, 2016 - 02:14 PM
ultra lotto Sa Tandang Sora, Quezon City tumaya ang nanalo ng P50 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola nitong Linggo ng gabi. Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office isa lang ang tumaya sa winning combination na 20-12-02-03-15-22. Nanalo naman ng tig-P32,740 ang 20 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P460 naman ang napanalunan ng 1,117 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 16,058 mananaya na nakatatlong numero. Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Biyernes at Linggo lamang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending