Kailan magkaka-anak? | Bandera

Kailan magkaka-anak?

Joseph Greenfield |August 29,2016
facebook
share this

Kailan magkaka-anak?

Joseph Greenfield - August 29, 2016 - 12:15 AM

Sulat mula kay Vicky ng Sihayon, Tagoloan, Mi-samis Oriental
Dear Sir Greenfield,
Masaya na sana ang pagsasama naming mag-asawa dahil nakakaraos naman kami sa aming mga pangangailangan at may konting savings pa kami kaya lang ang problema almost four years na kaming nagsasama, until now wala pa po kaming baby. Kumunsulta na din kami sa mga espesyalistang doktor pero wala ring nangyari, kaya naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung may pagasa pa kaya ka-ming magkaanak? Kung mayroon pa, kailan naman kaya ako mabubuntis at kailan kami magkaka-baby, upang mahusto na ang ligaya naming mag-asawa? October 6, 1979 ang birthday ko at August 24, 1977 naman ang mister ko.
Umaasa,
Vicky ng Misamis  Oriental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kapansin-pansing may kaisa-isang Guhit ng Supling o Children Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, kahit na medyo natagalan bago ka mabuntis, wag kang mawalan ng pag-asa, darating at darating din ang takdang panahong magkaka-baby din kayo ng mister mo.

Cartomancy:
Nine of Hearts, Jack of Diamonds at Eight of Diamond ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing matutupad ang wish o pangarap nyong magka-anak at ito ay mangyayari kung saan, sa susunod na 2017 mabubuntis ka u-pang pagsapit ng taong 2018, isang malusog at matalinong lalaking sanggol ang isisilang.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending