True ba, 3 female star, sikat na aktor na drug user daw nasa listahan ni Duterte? | Bandera

True ba, 3 female star, sikat na aktor na drug user daw nasa listahan ni Duterte?

Ervin Santiago |August 29,2016
facebook
share this

True ba, 3 female star, sikat na aktor na drug user daw nasa listahan ni Duterte?

Ervin Santiago - August 29, 2016 - 12:30 AM

 

rodrigo duterte

GAANO kaya katotoo ang chika na takot na takot na ngayon ang ilang kilalang celebrities na sangkot sa ilegal na droga dahil anumang oras ay ibabandera na ni Pangulong Duterte ang kanilang mga pangalan.

Kahapon kumalat ang balita na isasapubliko na raw ni Digong ang mga celebrities na diumano’y gumagamit at nagtutulak ng ilegal na droga. Pero habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang ina-announce ang Malacañang.

May mga ulat naman na nakikipag-usap na raw si Robin Padilla sa PNP at sa Palasyo para sa hinihiling niyang dialogue sa pagitan ng mga artistang user at iba pang taga-showbiz at ng mga otoridad.

Sa isang umpukan ng showbiz reporter may ilang pangalan ng mga artistang posible raw na nasa listahan ng PNP, kabilang na diyan ang isang kilalang TV host-actress, sikat na young actor at dalawang award-winning female star. Party drug pill diumano ang kalimitang tinitira ng mga ito.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending