Heart: Takot na takot akong mabuntis at manganak! | Bandera

Heart: Takot na takot akong mabuntis at manganak!

Ervin Santiago |August 28,2016
facebook
share this

Heart: Takot na takot akong mabuntis at manganak!

Ervin Santiago - August 28, 2016 - 12:20 AM

heart joross dennis

MALAPIT nang matapos ang GMA Telebabad naughty serye na Juan Happy Love Story nina Heart Evangelista at Dennis Trillo pero hanggang ngayon ay nagte-taping pa rin sila para sa huling linggo ng programa.

Nitong nakaraang Biyernes, dumalaw kami sa set ng teleserye somewhere in Quezon City kasama ang ilan pang piling entertainment writers, at doon nga namin nakachikahan sina Heart at Dennis, at ang dalawa pang miyembro ng cast na sina Kim Domingo at Joross Gamboa.

Natanong namin si Heart kung may kasunod na agad siyang show pagkatapos ng Juan Happy Love Story, “Wala pa pero I’m okay. Kasi parang medyo na overwhelm din ako sa mga pinaggagawa ko, next week yung exhibit ko naman tapos meron pa akong deadline so okay lang sa akin na wala muna.”

“I think I have to start working on that and I’ll just fix with GMA, how’s my contract and everything. Kaka-sign ko lang actually (ng kontrata) pero there’s an option you can extend it parang you take this how many months off yun ang ia-add mo. So yun yung gagawin ko,” sey ng misis ni Sen. Chiz Escudero.

Isa pa sa paghahandaan niya ay ang paggawa nila ni Sen. Chiz ng baby, “Siyempre, it’s my first baby so I’m so scared. Tapos nagpapagawa pa ako ng house and I’m moving na in a few months and I think I can’t do that while I’m pregnant. May dalawang bagets pa (kambal ni Chiz) siyempre gusto ko yung walk-in closet nila sa house maganda.”

Paano kung may ibigay agad na bagong project ang GMA sa kanya? “Sabi naman ni Chiz in case whichever goes first. Then mae-extend din naman ‘yun. I’ll be 32 by then. Tapos mae-extend na naman. Di ko din alam. Sana by chance matagal bago nila ako bigyan uli.”

Inamin ni Heart na takot na takot siyang mabuntis at manganak, “Yes, I’m scared. I’m scared talaga. Scared ako sa pain, sa pregnancy, sa life change. Kasi I’m very independent na. I’m very hands-on, I’m very hardworking. Never ako nababakante, talagang forever gumagana ang utak ko. So, medyo mag-i-slowdown yun. Siyempre that’s a process for me.”

Alam daw ng kanyang mister ang mga fear niya, “Sabi niya take your time. He’s very very understanding naman. Pero sabi naman ng doctor, wala akong dapat ipag-alala dahil nasa lahi namin ang mabilis magbuntis.”

Nagdesisyon na rin ang Kapuso actress na huwag mag-normal delivery sa panganganak, “C-section ako, I’ve decided na. Kasi hindi ko talaga kaya ang sakit. Anuhin (injection) mo nga lang ako magwawala na ako! Sa emergency room kapag may maingay na umiiyak, ako yun for sure. Bago nila ako lagyan ng dextrose iiyak talaga ako.”

q q q

Tinanong naman si Dennis kung ano ang mami-miss niya kay Heart ngayong malapit na ngang magpaalam ang Juan Happy Love Story.

Sey ng Kapuso Drama King, “Yung pagiging masayahin niya, nakakahawa kasi ng ibang tao. Nakakatulong dahil siyempre pag masaya kang nagtatrabaho mas magiging maganda yung resulta ng ginagawa mo.”

Singit naman ni Heart, “Napapansin mo pala yun, ha! Ha-hahaha!” Na sinagot naman ni Dennis ng, “Oo naman. Kahit pagod na siya, smile pa rin.”

Ang mami-miss naman ni Heart kay Dennis, “Siguro ‘yung challenge nang pakikipag-conversation sa kanya, like nag-iisip talaga ako kung ano ang pwede naming pag-usapan today? Pero ngayon hindi hindi na siya shy sa akin. But I think that’s just how he is. He is very well-kept ganyan. So parang lagi ko siyang dini-discover. Dati parang shy na shy siya pero ngayon hindi na.”

Natanong din ang Kapuso actress kung ano favorite scene niya sa Juan Happy Love Story?
“Ako ‘yung sa Obando. Favorite ko talaga yun. Tapos yung honeymoon namin. Yung nagpapa-cute ako sa kama! But honestly itong soap na ito, this really made me fall in love with my work again. Kasi parang before medyo naging trabaho na lang siya para sa akin pero dito parang nabuhayan uli ako.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Siguro parang na-excite uli ako sa trabaho ko dahil sa soap na to. Everything about it. I think dahil bago, dahil meron akong ibang na-explore na parang side of me. Dati kasi medyo nabo-bore na talaga ako. It’s all the same parang nakakapagod. Pero parang bumalik ako sa dati yung feeling na bago sa akin. So na-enjoy ko yung buong soap actually,” paliwanag ng aktres.

Game na game rin sina Heart at Dennis kung sakaling gawing sitcom ng GMA ang Juan Happy Love Story, “Yeah go ako. Saka yung story parang never ending e, ang daming pwedeng gawin pa.”
Siyanga pala, may special participation si Carla Abellana sa finale ng serye kaya ‘yan ang isa pa sa aabangan ng viewers.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending