Kim Chiu numero unong kontesera sa mga beauty pageant | Bandera

Kim Chiu numero unong kontesera sa mga beauty pageant

Ervin Santiago |August 26,2016
facebook
share this

Kim Chiu numero unong kontesera sa mga beauty pageant

Ervin Santiago - August 26, 2016 - 12:50 AM

kim chiu

Nagbabalik si Kim Chiu sa Maalaala Mo Kaya bilang konteserang lalaban sa iba’t ibang beauty pageants para sa kanyang pangarap at pamilya ngayong Sabado ng gabi sa ABS-CBN, hosted by Charo Santos.

Handa nang tumapak si Jeany sa kolehiyo nang biglang nasunog ang karenderya ng kaniyang inang si Maria na siyang pinagkukuhanan nito ng pantustos sa kanya. Dahil sa kawalan ng pera, naisip ni Jeany na sumali sa beauty pageants.

Nag-aalangan siya noong una hanggang sa natutunan niya rin itong mahalin dahil sa mga premyong nakukuha niya rito. Malayo na ang narating ni Jeany sa kaniyang pagiging kontesera nang madiskubre niya ang mga lihim na hahamon sa kanya.

Kasama rin sa episode na ito ng MMK sina Sylvia Sanchez, Jong Cuenco, Johan Santos at Lassy Marquez, sa direksyon ni Dado Lumibao at sa panulat nina Jaymar Santos Castro at Arah Jell Badayos. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.

Patuloy na samahan ang MMK sa paggawa ng mas magaganda pang mga alaala sa ika-25 anibersaryo ng programa tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable channel 167).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending