Angel: I love Angelica, totoong tao siya! | Bandera

Angel: I love Angelica, totoong tao siya!

Ervin Santiago |August 26,2016
facebook
share this

Angel: I love Angelica, totoong tao siya!

Ervin Santiago - August 26, 2016 - 12:49 AM

angel locsin

MASAYANG ibinalita ni Angel Locsin na unti-unti nang nanunumbalik ang kundisyon ng kanyang spine matapos ang ilang serye ng therapy. Ayon sa Kapamilya actress, nakakapag-workout na raw siya ngayon pero may limitasyon pa rin dahil hindi pa nga siya fully-recovered.

Ang mahalaga raw ay nakakapagtrabaho na uli siya nang maayos. Nakachikahan ng entertainment media si Angel sa premiere night ng pelikulang “Camp Sawi”, sinuportahan niya ang mga bida rito, partikular na si Sam Milby na katambal niya ngayon sa pelikulang “The Third Party” with Zanjoe Marudo.

“So, far okay naman. Masaya kasi nakakapag work out na ako ulit. Pero this September meron pa akong isa pang assessment. Pag may go signal na ako ng doctor ko, puwede ko nang gawin ang mga normal things na dati kong ginagawa,” pahayag ni Angel.

Kahit nga raw hindi pa tapos ang kanyang spine treatment ay nag-start na siyang mag-work, “Dahil nami-miss ko na rin talaga, pinayagan na din ako ng doctor ko na gumawa ng pelikula sa Star Cinema ngayon pero light lang talaga kasi kailangan every other day pa rin ang treatment.

Wala nami-miss ko na kasi talaga. Feeling ko hindi ako gagaling pag hindi din ako magtrabaho.”
Dito rin naikuwento ni Angel ang bonding moments nila ng kaibigang si Angelica Panganiban na balitang nakasamaan niya ng loob noon.

“Isang gabi nagkatawagan nagka yayaan. Ganu’n lang, kami naman ni Angelica, I mean nagkaroon man ng past issues hindi naman nawala yung respeto namin at paggalang sa isa’t isa. I admire her hindi lang bilang artista dahil napakatotoong tao niya that’s why I love Angelica,” sey ni Angel.

Dahil single na uli, handa na ba siyang magdyowa uli? “Hindi pa siguro ngayon. Kung dadating naman, dadating. Pero sa ngayon, nag-e-enjoy lang ako hanging out with my friends, family, trabaho. Masyado pang maaga.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending