Kilalang aktres sinungaling, nabuking ang ‘Modus’ pag tumatakas sa trabaho | Bandera

Kilalang aktres sinungaling, nabuking ang ‘Modus’ pag tumatakas sa trabaho

Ervin Santiago |August 26,2016
facebook
share this

Kilalang aktres sinungaling, nabuking ang ‘Modus’ pag tumatakas sa trabaho

Ervin Santiago - August 26, 2016 - 12:37 AM

BLIND ITEM  FEMALE 0318

ALAM na ng kanyang mga katrabaho ang matinding sumpong ng isang aktres, hindi na ‘yun bago para sa kanyang mga kapwa artista, sakay na sakay na rin ‘yun ng buong produksiyon.

Bigla na lang siyang umaalis nang hindi nagpapaalam sa kanyang mga boss, kapag tinatawagan na siya ng production staff ay ayaw niya namang sumagot, pati ang kanyang PA ay sinasabihan din ng sumpungerang aktres na huwag sasagutin ang mga tawag at text ng produksiyon.

Magaling siyang mag-imbento ng dahilan kung bakit siya umaalis nang walang paalam, palaging pagpapa-check-up ang ibinibigay niyang rason, kesyo may naramdaman siyang kakaiba kaya nagmadali siyang nagpunta sa ospital.

Kuwento ng aming source, “Alam niya kasi ang mga signs ng kahit anong uri ng sakit. Kaya niyang ipaliwanag sa kahit kanino kung ano ang nararamdaman niya. “Magaling siya, kabisado niya ang isang buong medical book na palagi niyang binabasa, du’n niya kinukuha ang mga detalyeng ikinakatwiran niya.

“Napakagaling niya sa mga medical issues, lahat ng terms, alam niya. Ganu’n siya katindi, ginagamit niyang dahilan ‘yun kapag sinusumpong siya ng kahitaran,” kuwento ng aming impormante. Pero hindi na ngayon magagawa ‘yun uli ng aktres, desidido ang produksiyong pinagtatrabahuhan niya na kailangan niyang magbigay ng pruweba kapag nagpapa-check-up kuno siya, wala nang maidadahilan ngayon ang madalas sumpunging aktres.

“Pasalamat nga siya at meron pang nagtitiwala sa kanya, nagkakaroon pa rin siya ng work, kahit pa sukung-suko na sa kahitaran niya ang production staff. “Naku, Bradly Guevarra, walang ka-effort-effort mong mahuhulaan kung sino ang sumpungerang aktres na ito.

Kahit hindi mo pa siya hampasin ng bareta ng sabon, getlak mo na agad kung sino siya!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending