‘Nakulangan kami sa performance ni Rose Fostanes!’ | Bandera

‘Nakulangan kami sa performance ni Rose Fostanes!’

Cristy Fermin |August 26,2016
facebook
share this

‘Nakulangan kami sa performance ni Rose Fostanes!’

Cristy Fermin - August 26, 2016 - 12:36 AM

rose postanes

Pinanood namin ang concert nina Michael Pangilinan, Angel Bonilla, Osang (isang magaling na komedyante ng Zirkoh) at Rose Fostanes nu’ng Miyerkules nang gabi. Eksaktong alas dose nang hatinggabi nang magsimula ang show dahil sa dami ng kanilang front act.

Kani-kanyang pabibo ang mga baguhang personalidad sa kanilang pagkanta at pagsayaw. Walang dudang may sarili nang grupo ng mga tagasuporta ngayon si Michael Pangilinan, tinitilian siya, konting pagpapa-cute lang sa entablado ng magaling na singer-actor ay hindi na magkarinigan sa Zirkoh.

Magaling din sina Osang at Angel pero nakulangan kami sa performance ni Rose Fostanes, ang Grand Champion ng X Factor-Israel, dahil mas nauna pa ang production number nilang tatlo nina Michael at Angel bago ang dapat sana’y sarili niyang moment nang gabing ‘yun.

Walang dudang magaling na singer si Rose Fostanes, ‘yun ang dahilan kung bakit palagi siyang binibigyan ng standing ovation sa X Factor-Israel, kaya lang ay nawala na ang sorpresa nang una siyang mapanood sa kanilang production number.

Kailangan ding ipagkatiwala sa isang magaling na designer ang kanyang outfit, dahil sabi nga ng kasama naming may galing sa pagbibihis ng mga personalidad, kahit may kalakihan ang bulto ng magaling na singer ay lalabas pa rin ang kurbada ng kanyang katawan kung mabihisan siya nang tama.

Pero may dahilan kung bakit ang kababayan natin ang nagkampeon sa banyagang kumpetisyon, malamig at malamyos ang hagod ng kanyang boses, walang ka-effort-effort kumanta si Rose Fostanes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending