Tom kina Lovi at Max: Ibinigay nila ang lahat, kaya napakaswerte ko! | Bandera

Tom kina Lovi at Max: Ibinigay nila ang lahat, kaya napakaswerte ko!

Jun Nardo |August 25,2016
facebook
share this

Tom kina Lovi at Max: Ibinigay nila ang lahat, kaya napakaswerte ko!

Jun Nardo - August 25, 2016 - 12:25 AM

lovi tom max direk maryo

MAPANGAHAS ang lampungan ni Tom Rodriguez sa dalawang leading ladies niya na sina Lovi Poe at Max Collins sa upcoming GMA drama series na Someone To Watch Over Me.

Dahil nga baguhan si Max sa pagpapaka-daring sa mga soap opera kumpara kay Lovi, aminado siya na ramdam niya ang pressure lalo na sa mga maiinit na eksena nila ni Tom. “Nagpapayat talaga ako para sa project na ito. Mabigat talaga ang role na ito for me. Mas mature sa anything na nagawa ko in the past. Ang galing talaga nilang umarte.

I made sure na magiging very honest ako sa scenes namin dahil grabe sila talagang magbigay. Grabe talaga ‘yung emotions na nilabas nila. Lahat ‘yon totoo!” pahayag ni Max sa press launch ng Someone To Watch Over Me.

Tanong naman kay Lovi kung gaano mahusay si Tom sa intimate scenes nila sa soap? “Siguro ang masasabi ko po, alam na alam niya ang ginagawa niya! Ha! Ha! Ha! Hindi niya nakalimutan ‘yon. Wala siyang Alzheimer’s at that very moment. Ha! Ha! Ha!” bulalas ng Primera Aktres.

“Napaka-professional talaga ni Tom. Very honest nga siyang umarte! Ha! Ha! Ha!” banggit naman ni Max. “If I could just defend myself! Grabe. Sobrang suwerte ko po,” singit ni Tom.

“Suwerte siya kasi nu’ng umaga, si Max ang ka-love scene niya. Tapos, nu’ng next time, medyo nag-shower lang siya, ako na,” saad ni Lovi.

“Breakfast and lunch yata ‘yon eh. Ha! Ha! Ha! No. But really, sinabi ko sa kanila na hindi madali ‘yung hinihingi sa inyo especially sa social stigma. Napakasuwerte ko at nagpaka-professional sila at handa silang ibigay ang lahat ng kailangan para magampanan at magawa ng tama at maipakita ng tama sa tipo ng mga eksena. Kaya grabe. Hat’s off to these two!” deklara naman ni Tom.

Si Maryo delos Reyes ang naatasang magdirek ng nasabing drama series. Kumusta naman ang mga maiinit na eksena ng lead stars niya para maipakita ang passion at lumutang ang story? “Siyempre, ako pa? Ha! Ha! Ha! Hindi. Niri-require ko lang kina Lovi at Tom, gusto kong makita na mag-asawa sila. Ayoko nu’ng nagpapakiramdaman. Tapos ilang na ilang humawak, ilang-ilang humalik.  Siyempre pag mag-asawa, asawa mo, eh.

“Tapos ‘yung kay Max, ito ‘yung past girlfriend mo. Kaya lang nasa mentalidad mo na ito ‘yung mahal ko. Kasi ‘yun ang period na kilala niya ang babaeng ito sa ganoong pananaw dahil ang utak niya nasa past na, naka-frame sa ganoong period.

“So, I require them to be honest. I’ve always been honest with my actors. Sasabihin ko, that scene doesn’t work so let’s do it again until I see,” paliwanag ni direk Maryo.

Sa STWOM, nagbabalik-Kapuso naman si Edu Manzano after kumandidato bilang Senador. Kasama rin sa cast sina Jackielou Blanco, Ronnie Lazaro, Isay Sena, Boy 2 Quizon, Ralph Noriega at Frances Makil.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending