Bagyong Dindo pumasok na sa PAR | Bandera

Bagyong Dindo pumasok na sa PAR

Leifbilly Begas |August 24,2016
facebook
share this

Bagyong Dindo pumasok na sa PAR

Leifbilly Begas - August 24, 2016 - 03:20 PM
pagasa Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility kahapon ang bagyo na pinangalanang Dindo (international name Lionrock).      Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration maliit ang tyansa na mag-landfall sa bansa ang bagyo subalit maaari umano nitong palakasan ang Hanging Habagat na magpapa-ulan sa bansa.      Kahapon ng tanghali ang bagyo ay nasa layong 1,200 kilometro sa silangan-hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.       Mayroon itong hangin na umaabot sa 130 kilometro bawat oras ang bilis at pabugsong 160 kilometro bawat oras malapit sa gitna.      Umuusad ito sa bilis na pitong kilometro bawat oras patungong timog-timog kanluran.      Ngayong tanghali inaasahan na ang bagyo ay nasa layong 1,175 sa silangan-hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending