Young actor may kakaibang trip; nanggugulat ng fans | Bandera

Young actor may kakaibang trip; nanggugulat ng fans

Cristy Fermin |August 24,2016
facebook
share this

Young actor may kakaibang trip; nanggugulat ng fans

Cristy Fermin - August 24, 2016 - 12:15 AM

BLIND ITEM MALE 0316

PAMINSAN-MINSAN pala ay umiiral din ang kasutilan ng isang guwapong teen actor. Nakikipaglaro rin siya sa buhay, gusto niyang maramdaman na hindi siya iba sa marami, kaya meron siyang ginagawang laro.

Naaaliw siya sa kanyang mga ginagawa dahil wala naman siyang sinasaktan at sinasagasaan, basta gusto lang niyang patunayan na tao siya, ang pagkakaiba lang ay kilalang-kilala na siya ngayon.

Kuwento ng isang source na palaging nakakasama ng guwapo at popular na teen actor, “Meron siyang ginagawang laro sa buhay. Kunwari, mahabang-mahaba ang biyahe at naiinip na siya, meron siyang ginagawa para maaliw siya.

“Ita-timing niya ‘yun sa maraming tao, lalo na kapag mga teenagers ang nasa kalye. Pahihintuin niya ang driver niya, bubuksan niya ang bintana ng van niya, saka siya magtatanong kunwari sa mga bagets na babae.

“Malaki ang pagkakabukas ng window niya, sasabihin niya sa mga teenagers, ‘Mga miss, puwedeng magtanong?’ Natural, sasagot naman ng oo ang mga bagets, ‘Saan ang papuntang ganito at ganyan?’

“‘Yun na! Wala nang makapagtuturo ng daan, nagtitilian na ang mga babae, ‘Si churva! Si churva!’ Dadami na ang mga tao sa paligid, sigawan nang sigawan ang mga pinagtanungan niya!” simulang kuwento ng aming impormante.

Hindi ‘yun pagmamaangas, lalong hindi pagyayabang, diin ng aming source. Gusto lang patunayan ng bagets actor na taung-tao siya.

“Alam mo ‘yung feeling na parang ordinary guy lang siya na nagtatanong kapag hindi niya alam ang way? Matagal na kasi niyang hindi nagagawa ang ganu’n dahil may mga kasama naman siyang nakakaalam ng daan.

“Naku, Bradly Guevarra, mahuhulaan n’yo ni Tita Nene Ulanday kung sino ang popular na bagets actor na ito dahil gusto n’yo naman ng kulay red,” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending