Masakit na katotohanan | Bandera

Masakit na katotohanan

Arlyn Dela Cruz |August 23,2016
facebook
share this

Masakit na katotohanan

Arlyn Dela Cruz - August 23, 2016 - 12:05 AM

MATAPOS ang unang pagdinig sa Senado hinggil sa extrajudicial killing, lalo pang tumibay ang basehan ng galit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa problema ng ilegal na droga, at kung bakit kinailangan niyang magdeklara ng gera laban dito.
Una, sa kwento ng mga testigo sa pagdinig na pinamunuan ni Senador Leila De Lima, patunay na ang mga napatay, one way or another, ay sangkot sa ilegal na droga.
Una “aso” (asset) muna ng mga pulis hanggang sila na ang nagbebenta habang kasapakat ang mga pulis.
Isipin ninyo, mga magulang, sina “Papa” at “Mama”, batay sa salaysay ng isang testigo, dawit. Ipinababatid ba sa kanila ang transaksiyon ng pagbebenta ng ilegal na droga? A family affair. Masakit, pero totoo.
Ikalawa, lalong napatunayan na napakarami ngang pulis na sangkot mismo sa aktuwal na paglalako ng ilegal na droga. Yun naman ang laman ng drug matrix na hawak ni Pangulong Duterte na ang ilang bahagi ay inilantad niya sa publiko.
Totoong mga mismong pulis na ang nagbebenta at operators ng droga. Una ko na itong naisulat base sa unnamed sources pero ang batayan ay ang intelligence and assessment report na ipinarating kay Pangulong Duterte.
Ikatlo, napatunayan na ang mga apparatus na pinatutungkulan ni Duterte ay nabulabog; nag-panic ang mga pulis na sangkot pati ang kanilang mga “aso” o galamay. Nabulabog ang mga sindikato at ang mga tiwaling pulis ay bahagi ng layers ng sindikato.
On its own, the law enforcers involved in illegal drugs represent or constitute a layer of syndicates.
Ika-apat, mga pulis ang sangkot sa Ilang pagpatay, lalo na yung mga iniharap na testigo sa Senado at ito at mga pulis na mismong sangkot sa droga.
Ito ang hamon ngayon, may mga pulis na nasa listahan, may mga na-dismiss na nga eh, pero paano yung mga aktibong pulis na hindi nasa listahan pero sangkot din pala sa ilegal na droga?
Naglilinis, ang mga nagpapatumba ay mga pulis na sangkot mismo sa ilegal na droga. Ngayon, kailangang ihiwalay ang mukha ng lehitimong operasyon at operasyon ng pagkukumahog ng Ilang pulis para huwag silang maituro o mainguso.
Totoong nabulabog ang kangkungan!
Tanong ko lang din. Itong common knowledge na ito sa mga komunidad na talamak ang ilegal na droga, mahahayag ba Ito kung hindi si Duterte ang pangulo? May takot ba na mararamdaman sa baba hanggang sa taas?
Now I understand better what Duterte meant when he said he needed to crash the apparatus of the illegal drugs operations. Mula sa baba, pataas. Ito ang kanyang taktika.
Mahihirap ang unang nasapol ng kampanya, totoo yan, pero kung titingnan sa kabuuan, eto ang naglagay ng takot sa bawat barangay ngayon na dati ay talamak ang bentahan ng ilegal na droga.
Now, as an organization, is this the policy of the Philippine National Police? I don’t think so. Clearly, the extrajudicial killings so to speak are in the hands of the law enforcers involved in illegal drugs operation.
Sila ay bahagi ng sindikato, sila ang sindikato. Minsan ko nang nasabi, tama si Duterte, kung hindi niya gagawin ang digmaan sa ilegal na droga, wala ng ibang pangulo na puwedeng gumaw nito.
May expose ba sa naging hearing ng Senado? Wala.
Balikan ko ang sagot ng isang testigo sa tanong mismo ni De Lima: “Gumagamit ba ang Mama at Papa mo?” Sagot: “Opo”. Masakit na katotohanan. Umabot na sa ganito ang galamay ng ilegal na droga–sa loob ng mga tahanan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending