Kris muling na-highblood, 4 na gamot ang iniinom | Bandera

Kris muling na-highblood, 4 na gamot ang iniinom

Jun Nardo |August 16,2016
facebook
share this

Kris muling na-highblood, 4 na gamot ang iniinom

Jun Nardo - August 16, 2016 - 12:30 AM

kris aquino

KAHIT ilang araw nang naka-bed rest sanhi ng pinched nerves na naranasan niya nitong mga nakaraang araw, dumalo pa rin si Kris Aquino sa ribbon cutting ng resto ni Anthony Taberna. Isa ang mag-asawa sa matalik niyang kaibigan kaya kahit may sakit, lumarga siya sa pagbubukas ng bagong branch.

Bago nagpaunlak ng interview, nakiusap si Kris na huwag nang magtanong ng iba pang hindi tungkol sa pagbisita niya sa KTC.

“Apat na gamot kasi ang iniinom ko ngayon. Baka wala akong maalala sa mga sasabihin ko. Hindi ko naman puwedeng idenay ‘yon,” hiling ni Kris.

Basta ang sa kanya, natutuwa siya sa pag-expand ng negosyo ng mag-asawang Anthony at Rosselle dahil isa siya sa mga nag-udyok sa dalawa na magnegosyo. Wish nga lang niya, huwag maulit ‘yung nangyaring barilan sa branch sa Visayas Avenue na naalala niyang August din nangyari.

“If not for them, bed rest muna ako. Sobrang taas kasi ng blood pressure ko nang magpatingin ako. Grabe ang sakit ng ulo ko! After this, pupunta ako sa doctor,” sabi ng Multi-Media Queen.

Bilang tugon sa hiling, hindi na hiningan ng pahayag si Kris sa pagiging ama muli ni James Yap at ang tsismis na lilipat na siya sa GMA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending