Angel binura lahat ng litrato ni Luis sa IG | Bandera

Angel binura lahat ng litrato ni Luis sa IG

Ervin Santiago |August 12,2016
facebook
share this

Angel binura lahat ng litrato ni Luis sa IG

Ervin Santiago - August 12, 2016 - 12:05 AM

angelo locsin at luis manzano

PINAGBUBURA na ni Angel Locsin ang lahat ng litrato ng lanyang ex-boyfriend na si Luis Manzano sa kanyang Instagram account.

Bumaha ng mensahe ang IG account ng Kapamilya actress mula sa kanyang social media followers matapos nga niyang tsugihin ang lahat ng mga photo nila ni Luis na magkasama. Ilan sa mga tinanggal ni Angel ay ang mga litrato nila ng TV host-comedian na kuha noong um-attend sila ng Philippine Fashion Ball 2015 na ilan sa mga favorite photos ng kanyang fans.

Bukod dito, burado na rin ang mga litrato nila ni Luis na kuha naman sa Amerika noong nakaraang Disyempre kung saan sweet na sweet pa ang ex-couple. Ayon sa isang avid fan ng aktres, “Good for you idol! Ganyan nga! Move on na. Forget everything about her!”

Sabi naman ng isa pa, “Nice one Angel! Ipakita mo kina Luis at Jessy na wala ka ng paki sa kanila. Korek lang na burahin mo na lahat ng picture nyo dahil hindi na siya part ng life mo! Sey naman ni Angel, “It’s about time deleted na ang mga pics nya (i dont want to mention his name). LOL. God bless u Ganda!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending