Igan matagal nang gustong interbyuhin si Kris | Bandera

Igan matagal nang gustong interbyuhin si Kris

Ervin Santiago |August 10,2016
facebook
share this

Igan matagal nang gustong interbyuhin si Kris

Ervin Santiago - August 10, 2016 - 12:25 AM

arnold calvio at kris aquino

NGAYONG gabi, tampok sa Tonight With Arnold Clavio, hindi lang isa, kundi tatlo sa magagaling na komedyante at impersonator sa bansa. Tiyak na three times din ang katatawanan, kulitan at kwentuhan kasama sina DJ Onse alyas Velma; Teri Onor alyas Nura; at Divine alyas Tetay.

Magpapasiklaban ang tatlong guests sa panggagaya sa pelikula ng kanilang mga idolo. Abangan ang “I did not kill anybody” ni Superstar Nora Aunor; “Ding, ang bato dali….DARNA!!!” ni Star for All Seasons Vilma Santos; at ang pasigaw na linya ni Queen of All Media Kris Aquino sa pelikulang “Feng Shui.”

Lingid sa kaalaman ng marami, pangarap ni Igan Arnold Clavio ang makapanayam si Kris. Kaya naman sa kuwelang kuwentuhan nila ni Tetay, matanong na kaya niya ang matagal na niyang gustong itanong? Abangan din ang mga kwelang sagot ni Tetay.

Hindi rin nakaligtas ang tatlong komedyante sa tatak TWAC game na “Nasubukan n’yo na ba?” Abangan kung sinu-sino sa kanila ang nakasubok nang magpatawa kahit kagagaling lang sa masakit na hiwalayan. Ilan kaya sa kanila ang nakapagbiro na sa lasing sa loob ng comedy bar? At sino ang nag-uuwi ng pagkain mula sa party na hindi nagpapaalam?

Makikigulo rin sa kanila ang Hollywood actor at cast member ng Game of Thrones series na si Conan Stevens, na napapanood bilang si Vish’ka sa Kapuso primetime seryeng Encantadia. Sama na sa kuwentuhan sa Tonight With Arnold Clavio ngayong Miyerkules, 10:15 p.m. sa GMA News TV.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending