Koreanovela Review: Bidang lalaki ng 'Healer' muling mamahalin ng mga manonood | Bandera

Koreanovela Review: Bidang lalaki ng ‘Healer’ muling mamahalin ng mga manonood

|August 07,2016
facebook
share this

Koreanovela Review: Bidang lalaki ng ‘Healer’ muling mamahalin ng mga manonood

- August 07, 2016 - 08:44 PM

healer

KASABAY ng pagsisimula ng blockbuster na Descendants of the Sun, nagsimula na rin ang isa pang patok na Koreanovela na Healer, na talagang mamahalin ng mga manonood dahil sa ganda ng istorya nito.
Muling nagbabalik ang kinagiliwan ng mga manonood na si Ji Chang Wook na gumaganap dito na Healer at bilang Juno.
Ilang beses na nating napanood si Chang Wook sa GMA-7, kung saan bumida siya sa sikat na Koreanovela na Smile Dong Hae noong 2010 at siyempre ang Empress Ki.
Kasama sa Healer sina Park Min Young bilang Yasmin at Yoo Ji Tae bilang Morgan Kim.
Kwento ito ni Juno na isang courier at Yasmin na isang bagitong online reporter.
Napakamaaksyon ng Healer ay siyempre, hindi mawawala ang comedy at love story.
Maraming maiin-love sa karakter dito ni Juno dahil sa napakagaling ng pagganap dito ni Chang Wook.
Aabangan talaga ng mga manonood ang susunod na mga eksena ng Koreanovela. Bukod kasi sa amo ng mukha ng ni Chang Wook, napagaling ng kanyang pag-arte.
Tiyak kong inaabangan na ng mga sumusubaybay ang mga susunod na kabanata ng Healer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending