Regine pinipilit daw lumipat sa ABS: Masaya ako sa GMA! | Bandera

Regine pinipilit daw lumipat sa ABS: Masaya ako sa GMA!

Ambet Nabus |August 06,2016
facebook
share this

Regine pinipilit daw lumipat sa ABS: Masaya ako sa GMA!

Ambet Nabus - August 06, 2016 - 12:40 AM

ogie alcasid

Agree naman kami sa tinuran ni Regine Velasquez-Alcasid na kung saan may trabaho at tamang bayad, doon pupunta ang isang artista o singer. Sa dami na kasi ng mga dating katrabaho ni Regine sa Kapuso network na lumipat na nga at ngayo’y namamayagpag na sa ABS-CBN gaya nina Jolina Magdangal, Jaya, Jay-R, Kyla at Jona Viray, pati na ang magkapatid na Maxenne at Elmo Magalona, may mga kumukumbinsi na rin sa Asia’s Songbird na mag-ober da bakod na rin.

May ilang pagkakataon na rin kasing namamataan sa ilang programa ng ABS-CBN ang asawa ni Regine na si Ogie Alcasid, na nakasama nga sa 25 years commemorative album ng Maalaala Mo Kaya. Pero very consistent si Regine sa pagsasabing masaya siya sa ibinibigay na trabaho sa kanya ng GMA 7 at wala siyang nakikitang rason para balewalain ito at layasan ang kanyang mother network. So there.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending