Solenn naghubad uli para sa FHM bago magbuntis | Bandera

Solenn naghubad uli para sa FHM bago magbuntis

Jun Nardo |August 04,2016
facebook
share this

Solenn naghubad uli para sa FHM bago magbuntis

Jun Nardo - August 04, 2016 - 12:05 AM

solenn heussaff

HINDI pa kasal sa asawang si Nico Bolzico si Solenn Heussaff nang ilantad ang alindog sa FHM nu’ng March 2011.

Nagkagulo ang kalalakihan dahil that time, bagong pasok din siya sa showbiz at pinagpantasyahan talaga ng mga guys, huh! Sa August issue ng men’s mag, Solenn is back sa cover! ‘Yun nga lang, dahil sa repackaging ng nasabing babasahin, tame na ang pictorial ng Kapuso actress. Subalit proud pa rin siya sa bago niyang adventure.

Pahayag ni Sos, “Hey, guys! My FHM is out today! Amazing set design and the team I always work with. Read about the ‘rules’ I would like to change, my new book HOT SOS and more!” Wala naman kasing bawal kay Sos kahit officially na Mrs. Bolzico na siya. Nagpapaseksi pa rin siya sa comedy show ng GMA na A1 Ko Sa ‘Yo kahit balot na balot sa telefantasya na Encantadia.

Wala pa rin kasi silang plano ng kanyang mister na magkaanak dahil gusto nilang namnamin muna ng married life. Sabi nga ni Solenn sa isa naming interview sa kanya kamakailan lang, gagawin pa rin niya ang gusto niyang gawin sa kanyang career kahit may asawa na siya, kabilang na nga riyan ang pagpapakita ng kanyang kaseksihan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending