Juday umaming na-insecure sa paglaki ng katawan | Bandera

Juday umaming na-insecure sa paglaki ng katawan

Ervin Santiago |July 31,2016
facebook
share this

Juday umaming na-insecure sa paglaki ng katawan

Ervin Santiago - July 31, 2016 - 12:30 AM

judy ann santos

MEDYO mataba pa ngayon si Judy Ann Santos kaya mukhang matatagalan pa bago siya uli sumabak sa paggawa ng teleserye. Pero aniya, tuluy-tuloy naman ang ginagawa niyang pagpapapayat sa tulong ng kanyang asawang si Ryan Agoncillo.

Inamin naman ni Juday na nakaramdam siya ng insecurities dahil sa katawan niya ngayon matapos ipanganak ang kanilang bunsong si Luna.

“May mga moments pa rin talaga na yung physical appearance mo ay makakaapekto sa ‘yo. Hindi ako magsisinungaling do’n sa thought na hindi ko naiisip na bakit ako ganito (kataba). Tao lang ako, nai-insecure ako, minsan napu-frustrate ako.

“But I’m so happy na my husband is very, very supportive. Talagang napaka-supportive ni Ryan sa akin pagdating sa workout, pagkain, ano siya, parang sexy pa rin ako sa paningin niya,” natatawang chika pa ng aktres sa isang panayam.

Natanong si Juday kung balak pa nilang sundan uli si Luna, “Hindi pa puwede, under renovation pa ang reproductive system. Ha-hahaha! Kailangan pang magpahinga, but in God’s will bigyan pa kami ng isa pa, hindi naman ako magrereklamo, bakit naman hindi.

“Pero pag dumating siguro ako ng mga 45 at hindi pa uli, okey na okey na kami sa tatlo,” chika pa ng misis ni Ryan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending