Natatakot tumandang dalaga (2) | Bandera

Natatakot tumandang dalaga (2)

Joseph Greenfield |July 31,2016
facebook
share this

Natatakot tumandang dalaga (2)

Joseph Greenfield - July 31, 2016 - 12:15 AM

Sulat mula kay Ma. Lyn ng KM 11, Sasa, Davao City
Problema:
1. Sa darating na September 7, ako ay 41 years old na, na ni minsan ay hindi pa ako nagkaka-boyfriend kaya natatakot akong tumandang dalaga. Sabi nga ng mga co-teacher ko, masyado daw akong na in love sa mga bata na tinuturuan ko kaya nakalimutan ko na ang love life ko. Pero hindi naman, dahil ang totoo gusto ko ring makapag-asawa at magkaroon ng srailing pamilya ang problema walang dumarating kaya nag-aalala at natatakot na ako na baka ako ay tumandang dalaga kaya naisipan kong sumangguni sa inyo.
2. Nasa guhit po ba ng palad ko ang tumandang dalaga? Kung hindi, kailan kaya ako makapag-asawa, sino ang lalaking mapapangasawa ko at saan ko makikilala?
3. At kung magkaka-anak pa ako ilan kaya ang magiging anak naming?
Umaasa,
Ma Lyn Sasa, Davao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) ang nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Taurus ang nakatakda mong maging boyfriend sa susunod na taong 2017.
Numerology:
Habang ang birth date mo namang 7 ay nagsasabing isang lalaking isinilang sa petsang 2, 11, 20 o kaya’y 29 ang manliligaw sa iyo, kung saan, ang lalaking ito na rin ang siya nang magiging first and last boyfriend mo at ito ay nakatakdang mangyari tulad ng nasabi na sa taong 2017 habang naglalakbay ang iyong edad patungo sa edad na 42 pataas.
Luscher Color Test:
Upang mas madaling matupad ang nasabing pagaanalisa sa itaas, lagi kang magsuot ng kulay na berde at asul. Ang kulay na berde at asul ay siya ring magiging mapalad ninyong kulay habang kayo ay nagsasama at nagmamahalan. Ito rin ang maaaring gamiting ninyong motif sa araw ng inyong kasal upang tuloy-tuloy kayong suwertehin habang buhay na lumigaya at nagmamahalan.
Huling payo at paalala:
Ma. Lyn ayon sa iyong kapalaran, tiyak ang magaganap sa taong 2017 darating na ang lalaking malaon mo ng pinakahihintay. Ang nasabing lalaki bukod sa isinilang sa zodiac sign na Taurus siya ay nagtataglay rin ng initial na R.C. kung saan, ang lalaking ito ang nakatakda mong maging boyfriend hanggang sa tuluyan mo na ring mapangasawa at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay ng pamilya na bibiyayaan ng apat na malulusog na supling.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending