Vice: May date ako gabi-gabi, every night is babe time | Bandera

Vice: May date ako gabi-gabi, every night is babe time

Ervin Santiago |July 31,2016
facebook
share this

Vice: May date ako gabi-gabi, every night is babe time

Ervin Santiago - July 31, 2016 - 12:30 AM

vice ganda

TUWANG-TUWA ang TV host-comedian na si Vice Ganda sa mainit na pagtanggap sa kanyang karakter na Ella (sextortionist) sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Nagpasalamat si Vice sa lahat ng mga manonood at netizens na nagkokomento ng magaganda gabi-gabi simula nang umapir siya sa Primetime Bida serye ni Coco Martin. “At first nakaka-pressure kasi mataas na ‘yung ratings nila kahit wala pa naman ako eh. Kaya nakakatakot na baka biglang masisi ako,” chika ng Phenomenal Box-office star.

Nagsimula ang paglabas ni Ella noong Lunes at humataw agad ang rating nito, “Nakakatuwa kasi nu’ng Monday, start pa lang ng paglabas ng character ko ay mataas na ‘yung ratings, nag- 43.8% siya,” dagdag pa niya. Pagkatapos malaman ang pagpalo ng nasabing episode sa ratings game, agad tinanong ng komedyante sa management kung mataas na ba ito para sa unang araw ng paglabas ng kanyang karakter.

Chika ni Vice, “Sabi nila mataas daw kasi usually 45% ‘yun kapag finale ng episode. Since simula pa lang ako mataas na agad.” Hindi lamang si Ella ang dapat abangan ng kanyang mga taga-hanga dahil magkakaroon din sila ng pelikula ngayong taon ni McNeal Briguela na mas kilala bilang si Aura o MacMac sa Ang Probinsyano.

Matapos mapanood ni Vice Ganda ang “How To Be Yours” nina Bea Alonzo at Gerald Anderson naitanong naman sa kanya kung kumusta ang kanyang lovelife at ito ang kanyang sagot, “Nakikipag-date naman ako every night. Every night is babe night, babe time.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending