3 bagong bonggang programa sa Sari Sari Channel | Bandera

3 bagong bonggang programa sa Sari Sari Channel

Ervin Santiago |July 31,2016
facebook
share this

3 bagong bonggang programa sa Sari Sari Channel

Ervin Santiago - July 31, 2016 - 12:35 AM

sari sari channel

TATLONG panibagong programa ang ihahandog ng SARI SARI Channel sa mga tagasubaybay nito sa third quarter ng taon. Ang mga orihinal na katha ng Viva Communications at TV5 ay siguradong kagigiliwan ng lahat ng mga manunuod.

Unang eere ang teen-horror serye na Ang Kwarto Sa May Hagdanan na pinagbibidahan ng teen actors na sina Andrew Muhlach, VJ Marquez at Mayton Eugenio.

Ang karakter ni JM (Andrew) ay pansamantalang nanirahan sa bahay ng kanyang matalik na kaibigan na si Mark (VJ) upang makapasa sa eskwelahan. Sa kwartong kaniyang tinutuluyan, matutuklasan niya ang misteryo ng babaeng multo na si Choleng (Mayton) at ang koneksiyon niya rito.

Kasama rin dito si Aubrey Caraan bilang Joyce na magiging love interest nina JM at Mark. Mapapanood ang horror series na Ang Kwarto Sa May Hagdanan tuwing Sabado, 9 p.m..

Paniguradong magpapaalab ng inyong mga gabi ang light sexy-drama series na Wives Of House No. 2 kung saan apat na magkakaibigang kabit ang magtatayo ng isang underground café upang ang mga tulad nila ay pwedeng mag-celebrate ng Valentine’s Day at iba pang okasyon. Pagbibidahan ito nina Katya Santos, Pheomela Barranda, Antoinette Taus at Sarah Pagcaliwagan. Magsisimula na ito ngayong Agosto.

Isa pang programa na eksklusibong mapapanood sa SARI SARI Channel ay ang horror-mystery show na Where Is Franco? Si Franco (gagampanan ni Julius Gareza) ay naiulat na nawawala nang ito ay maglaro ng Tagu-taguan.

Makalipas ang ilang taon, magbabalik ang kanyang kaluluwa upang maghiganti sa kaniyang mga kalaro na pagbibidahan nina Issa Pressman, Arkin Del Rosario, Kiko Ramos, Kenzo Ortiz, Cliff Hogan at Angelica Yap. Ang Where Is Franco? ay ipapalabas ngayong Agosto o Setyembre.

Tutukan ang lahat ng yan sa SARI SARI Channel 3 na eksklusibong matutunghayan sa Cignal TV. Para sa updates, log on to www.cignal.tv or call (02) 273-2222 to subscribe to Cignal TV.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending