Billy nanganib ang buhay dahil sa pneumonia: Nagda-drive ako, biglang di na ako makahinga! | Bandera

Billy nanganib ang buhay dahil sa pneumonia: Nagda-drive ako, biglang di na ako makahinga!

Ervin Santiago |July 31,2016
facebook
share this

Billy nanganib ang buhay dahil sa pneumonia: Nagda-drive ako, biglang di na ako makahinga!

Ervin Santiago - July 31, 2016 - 12:20 AM

 

billy crawford

TRIPLE na ang ginagawang pag-iingat ngayon ni Billy Crawford para hindi na bumalik ang kanyang pneumonia. Na-confine ng dalawang araw sa ospital ang TV host-comedian kaya hindi siya naka-attend sa grand presscon ng bagong pelikula niyang “That Thing Called Tanga Na” under Regal Films.

Ayon kay Billy, hindi ito ang unang pagkakataon na tinamaan siya ng pneumonia, “Hindi ako naka-attend noong unang presscon, bumagsak yung immune system ko. “Tapos bronchitis, after nu’n tumuloy siya sa pneumonia. So, I have to be hospitalized na. I am bedridden for two days.

“Hindi ako makahinga. Ubo ako nang ubo, tapos hindi lumalabas yung plema, tapos nanghihina ako. Eksakto akong papunta ng Showtime nu’n, mag-isa lang akong nagda-drive, hindi na ako makahinga. “Tumawag na ako sa doctor at nasa St. Luke’s siya, so dumiretso na ako du’n. But I’m better, I’m recovering now,” mahabang paliwanag ni Billy nang makachika ng ilang reporter sa solo presscon na ibinigay sa kanya ni Mother Lily Monteverde kamakailan.

Samantala, sa trailer pa lang ng “That Thing Called Tanga Na”, tawang-tawa na ang mga press na nakapanood, lalo na kay Billy na gumaganap na isang closet gay na security guard. Inamin ng binata na nahirapan siya sa role niya bilang pamintang bading (nagpapakalalaking beki).

Nu’ng ialok nga raw sa kanya ng Regal ang nasabing project nagdalawang-isip siyang tanggapin, “Di ko kasi sure kung kakayanin ko. Pero in-assure naman nina Mother Lily (Monteverde), Ms. Roselle at direk Joel (Lamangan) na iga-guide nila ako so ito na nga!”

Wala raw peg si Billy sa kanyang role, “Wala akong pinaggayahan. I tried to do my best lang. Yung preparation ko, buti na lang ang isa sa mga matalik kong kaibigan ay bading (Vice Ganda), so yun, malaki ang naitulong.”

Makakasama rin sa movie sina Kean Cipriano, Mart Escudero, Eric Quizon, Angeline Quinto at marami pang iba, sa direksiyon ni Joel Lamangan. Showing na ito sa Aug. 10 nationwide.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending