Myrtle Sarrosa wala pa ring BF; Kinakarir ang showbiz at iskul | Bandera

Myrtle Sarrosa wala pa ring BF; Kinakarir ang showbiz at iskul

Ervin Santiago |July 30,2016
facebook
share this

Myrtle Sarrosa wala pa ring BF; Kinakarir ang showbiz at iskul

Ervin Santiago - July 30, 2016 - 12:20 AM

myrtle sarrosa

SINGLE but happy pa rin ang status ngayon ng Cosplay Queen at singer-actress na si Myrtle Sarrosa.

Inamin ng dalaga na wala pa rin siyang nagiging boyfriend pagkatapos nilang maghiwalay ng anak ni Sen. Grace Poe na si Bryan Llamanzares. Pero aniya, napakasaya niya ngayon dahil sunud-sunod ang blessings na dumarating sa kanyang buhay.

Maraming realizations si Myrtle after ng break-up nila ni Bryan, “You know, after a year nang maghiwalay kami, nagpapasalamat ako sa kanya. Napakarami ko po kasing natutunan sa buhay, lalo na when it comes to love issue.

“But at the same time, na-realize ko rin na kahit na hindi na kayo nag-uusap, wala nang communication, there will always be love. I must admit, galit na galit ako sa kanya dati na hindi ko maintindihan. Pero ngayon nagpapasalamat ako with all the good memories, with all the experiences, all the love na ibinigay niya sa akin. It’s really all gratefulness na masasabi ko tungkol sa kanya.”

Until now, wala pa ring closure ang break-up nila ni Bryan but Myrtle said, “I’ve finally moved-on and I’m pretty grateful na he was a chapter of my life and kinonek ko na sa next page.” Promise pa ng dalaga, “Kapag may lovelife na po ako, hindi ko itatago, sasabihin ko po sa inyo. Sa ngayon po, wala po talaga.”

Marami rin ang saludo kay Myrtle dahil kahit busy siya sa kanyang career, hindi pa rin niya pinababayaan ang kanyang pag-aaral. Senior Broadcast Communication student na siya sa UP Diliman at running for cum laude pa. Bukod sa ilang acting projects, ipino-promote pa ni Myrtle ang kanyang album at siya rin ang bagong endorser ng Sisters Sanitary Napkin & Pantyliners.

“I’m blessed dahil hindi ako pinababayaan ng ABS, lagi po akong may work, now may album pa ako. Tapos dumating po itong I Love My Sisters na bagong endorsement ko po. Pero kahit sobrang busy po, I make sure na hindi siya sasagasa sa school. “It’s just a matter of prioritizing, planning and scheduling kung paano ko hahatiin ang oras ko,” aniya pa.

Kahapon, sa press launch na ibinigay ng Megasoft Hygenic Products para kay Myrtle bilang bagong ambassador ng Sisters Sanitary Napkins & Pantyliners, ibinalita ng Cosplay Queen ang bagong ad campaign ng kompanya para sa tulad niyang mga estudyante. Ise-share raw niya rito ang kanyang vision at passion bilang working student.

Ito ang “Sisters’ School Is Cool”, layon ng kampanyang ito na i-inspire ang mga estudyante na tapusin ang kanilang pag-aaral at abutin ang kanilang mga pangarap. Kailan lang, ginanap ang unang Sisters’ Choice Awards sa Norala High School sa South Cotobato at Gingoog City Comprehensive School sa Misamis Oriental. Ang mga nasabing paaralan ay nabigyan ng assistance bilang parte ng kampanya.

Makakasama naman ni Myrtle sa nasabig ad campaign ang mga members ng Hotlegs na sina Nesh, Labb, Cath at Alex sa “I Love My Sisters Mall Concerts” kung saan magpe-perform sila sa mga mall nationwide katulad sa SM Molina sa July 31, SM Dasma, Aug. 6, SM Baguio, Aug. 20 at SM Rosales Pangasinan, Aug. 21. Magiging parte rin ang “I Love My Sisters Mall Concerts” sa Kadayawan Festival na gaganapin naman sa Gaisano Grand Mall sa Davao sa Aug. 19.

Abangan din ang “Sisters’ Day” na may temang “We Are One, We Are Sisters” sa Aug. 7 na gaganapin sa Starmall Alabang. Makakasama nina Myrtle dito sina Nash Aguas, Joaquin Reyes, John Bermundo, Brace Arquiza at Grae Fernandez o ang grupong Gimme 5.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending