Jay Manalo dyinowa ang ex-GF ng anak | Bandera

Jay Manalo dyinowa ang ex-GF ng anak

Ervin Santiago |July 30,2016
facebook
share this

Jay Manalo dyinowa ang ex-GF ng anak

Ervin Santiago - July 30, 2016 - 12:20 AM

karen at jay manalo

PAGBIBIDAHAN nina Jay Manalo at Cherry Pie Picache ang kwento ng mag-asawa na gumawa ng isang banda kasama ang mga anak ngayong gabi sa isa na namang espesyal na episode ng Maalaala Mo Kaya hosted by Charo Santos.

Si Jake (Jay) ay isang bigong singer-songwriter na kasal sa kaniyang very supportive wife na si Vivien (Cherry Pie). Noong bata pa ang kanilang mga anak, isinali ng mag-asawa sina Marko (Sam Concepcion) at Niko (Vin Abrenica) sa isang tatent competition kung saan nakita ni Jake na may kinabukasan ang dalawa sa industriya ng musika.

Para maituro niya ang kaniyang kaalaman sa dalawa, nagdesisyon si Jake na silang magkakapamilya ay bumuo ng isang banda. May mga dancer din ang kanilang banda at isa sa mga ito ay si Lyca (Karen Reyes) na naging karelasyon ni Marko dati.

Nagkaroon sina Jake at Lyca ng relasyon. Natunugan ito ni Vivien kaya naman iniwan niya ang kaniyang asawa at mga anak. Sina Marko at Vino naman ay naging malayo ang loob sa kanilang ama.

Pipiliin ba ni Jake si Lyca at hindi ang kaniyang pamilya? Mapapatawad kaya nina Vivien, Marko, at Viko ang kanilang ama kung humingi ito ng kapatawaran?

Kasama rin sa MMK episode na ito sina Jane de Leon, Jon Lucas at Claire Ruiz, sa direksyon ni Jerome Pobocan at sa panulat nina Mary Rose Colindres at Arah Jell Badayos. Napapanood pa rin ang MMK tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending