3-0 start target ng TNT Tropang Texters laban sa Alaska Aces | Bandera

3-0 start target ng TNT Tropang Texters laban sa Alaska Aces

Angelito Oredo |July 29,2016
facebook
share this

3-0 start target ng TNT Tropang Texters laban sa Alaska Aces

Angelito Oredo - July 29, 2016 - 01:00 AM

Mga Laro Ngayon
(Ynares Center, Antipolo City)
4:15 p.m. Blackwater vs Rain or Shine
7 p.m. TNT vs Alaska
Laro sa Sabado
(Lucena City)
5:30 p.m. Barangay vs Meralco
Team Standings: Mahindra (3-0); TNT KaTropa (2-0); Barangay Ginebra (2-1); Meralco (2-1); San Miguel Beer (2-1); Alaska (1-1); Blackwater (1-1); Rain or Shine (1-1); NLEX (1-2); Star (1-2); GlobalPort (0-3); Phoenix (0-3)

PUNTIRYA ng TNT KaTropa ngayon na masungkit ang ikatlong sunod na panalo at makasalo sa liderato ng 2016 PBA Governors’ Cup.

Makakasagupa ng TNT KaTropa ang Alaska Milk sa ganap na alas-7 ng gabi sa Ynares Center sa Antipolo City.

Kasalukuyang nangunguna sa torneo ang Mahindra na sinorpresa ang liga nang manalo sa unang tatlong laro nito sa kumperensiyang ito.

Hindi makakasama ng Aces si Commissioner’s Cup Best Player of the Conference Calvin Abueva na pinatawan ng isang larong suspensiyon at multang P22,000 matapos ang unsportsmanlike foul na kanyang ibinigay  kay Chris Ellis ng Barangay Ginebra.

Tinalo ng Aces ang Gin Kings, 85-72, sa larong iyon.

Una munang magsasagupa dakong alas-4:15 ng hapon ang magkasalo sa ikaanim na puwesto na Blackwater Elite at Rain or Shine Elasto Painters bago ang salpukan ng Tropang Texters at naghahangad makahablot ng titulo na Aces.

Inaasahang sasandigan naman ng Tropang Texters ang 5-foot-10 na si Jayson Castro na kumulekta ng 24 puntos, 7 rebounds at 5 assists para tulungan ang koponan na makuha ang ikalawang sunod nitong panalo matapos manaig sa Meralco Bolts, 98-95.

Aasa rin ang Tropang Texters sa Asian import na si Mike Madanly na nag-ambag ng 14 puntos pati na rin ang off-season recruit nito na si Kris Rosales na may 13 puntos.

Pilit naman susundan ng Rain or Shine ang nagawa nitong pagbangon mula sa 11-puntos na paghahabol sa ikatlong yugto upang biguin ang Phoenix Petroleum Fuel Masters, 106-89, sa pagtatangkang mauwi ang ikalawang sunod na panalo sa loob ng tatlong laro.

Gayunman, inaasahang tatahak sa matinding pagsubok ang Elasto Painters ni coach Yeng Guiao sa pagharap nito sa Elite na sariwa pa sa pagwawagi sa Star Hotshots, 100-98.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending