Bongbong Marcos alalay at photobomber na lang ni Sandro | Bandera

Bongbong Marcos alalay at photobomber na lang ni Sandro

Ervin Santiago |July 29,2016
facebook
share this

Bongbong Marcos alalay at photobomber na lang ni Sandro

Ervin Santiago - July 29, 2016 - 01:00 AM

LIZA, BONGBONG AT SANDRO MARCOS

LIZA, BONGBONG AT SANDRO MARCOS

Tanggap ni Sen. Bongbong Marcos na mas sikat na sa kanya ang anak na si Sandro. In fairness, dumami nga ang followers at fans ng binata pagka-tapos ng eleksiyon.

Kahit nga ang mommy ni Sandro na si Liza Araneta-Marcos ay nagulat sa pagsikat ng kanilang anak na nagsimula nga noong kasagsagan ng kampanya ni Bongbong bilang vice-presidential candidate.

Ayon sa mag-asawa, hindi nila ine-expect na magiging ganito ka-popular ang kanilang anak. Kuwento nga ng dating senador, habang maraming nagpapakuha ng picture sa kanilang panganay ay nasa isang tabi na lang sila. Sey pa ni Sen. Bongbong alalay at photobomber na lang sila ni Sandro kapag nasa labas sila.

Sey naman ni Atty. Liza, “Sa buong buhay namin, hindi namin naisip na si Sandro ay magiging famous kasi napaka-shy niyang bata. Kapag may nakikita lang siyang kahit tatlong tao sa bahay namin, magtatago na siya. Ngayon si Sandro sikat na ‘sana huwag lumaki ulo mo.’”

Ayon naman kay Sen. Bongbong, “Totoo ‘yung sinabi ni Liza. Nagulat kami, sa mga lumalabas sa social media, nagba-viral ‘yung tungkol kay Sandro. In fact, towards the end of the campaign, noong nag-speech ako, usually alam ko magaling naman akong mag-speech, pero noong tinitingnan ko, walang nakatingin sa akin, kasi andoon nagpapa-picture kay Sandro.

“Sabi ko, okey na ring mag-take over na kayo (mga anak) para kami ni Liza eh, makapagbakasyon na lang muna, magbibiyahe kami, mag-London muna kami.”

Nakachika ng ilang miyembro ng entertainment press ang pamilya kamakailan sa imbitasyon ni Manay Ichu Maceda, at dito nga sinabi ni Sandro na wala pa siyang desis-yon kung papasukin din niya in the future ang showbiz o ang politika para sundan ang yapak ng kanyang ama at iba pang mga kapamilya.

Inamin ng binata na may mga offer sa kanya ang isang TV network para mag-guest sa ilang ume-ere nitong programa, pero hindi pa raw siya umoo. Biro nga ni Sandro, nasa kanyang ina ang go signal kung tatanggapin niya ang nasabing proyekto.

Biro nga ni Sen. Bongbong sa anak, “The easiest way to politics is through showbiz.” Nakangiti namang hirit ni Mrs. Marcos, “He (Bongbong) can be the manager of Sandro.”

Graduate na ng college si Sandro pero balak niyang mag-aral uli, nakatakda na siyang umalis patu-ngong London sa Aug. 30.

As to his bashers and haters, “Hindi ko naman ‘yun iniisip, I try not to let it…I was, naninibago lang ako. I was very surprise, I was not expecting it. You know, if you start thinking about it (bashing), we start then doing things wrong.

“Cheating yourself and doing what is not you. I just keep doing what I’m doing ganoon na lang and if peoples don’t like it, that’s okey with me. We should not let change yourself to be able to change the perception of others,” paliwanag ng binata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tungkol naman sa inihain niyang election protest, very positive pa rin si Sen. Bongbong na may malakas silang kaso. Sa ngayon, nasa proseso na sila ng pagkalap ng mas marami pang ebidensiya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending