Jodi, Jolo laging magka-date, nagkabalikan na | Bandera

Jodi, Jolo laging magka-date, nagkabalikan na

Ervin Santiago |July 29,2016
facebook
share this

Jodi, Jolo laging magka-date, nagkabalikan na

Ervin Santiago - July 29, 2016 - 12:50 AM

JOLO REVILLA AT JODI STA. MARIA

JOLO REVILLA AT JODI STA. MARIA

NAGKABALIKAN na nga ba sina Cavite Vice-Governor Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria? Iyan ang tanong ng kanilang followers matapos kumalat sa social media ang ilang litrato nila na magkasama.

Sunud-sunod kasi ang pagpo-post ni Jolo ng mga litrato nila ni Jodi sa Instagram kung saan makikita ang kanilang bonding moments. Recently, isang selfie nila ni Jodi ang ibinandera ni Jolo sa IG na may caption na: “Just because something isn’t happening for us right now does not mean it will never happen.”

Dahil dito, maraming fans ni Jodi ang nagsabi na mukhang nagkabalikan na nga ang dalawa at pabor naman ang mga ito na magkaroon ng part two ang kanilang love story.

Pero sabi raw ni Jolo, kahit na naghiwalay sila ni Jodi ay napanatili nila ang kanilang friendship. At sa ngayon, ayaw daw muna niyang magsalita tungkol sa estado ng kanilang relasyon.

Kahit si Jodi ay tahimik kung magdyowa na ba sila uli ni Jolo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending