Aktor iniiskandalo ang asawang aktres sa sobrang selos | Bandera

Aktor iniiskandalo ang asawang aktres sa sobrang selos

Cristy Fermin |July 29,2016
facebook
share this

Aktor iniiskandalo ang asawang aktres sa sobrang selos

Cristy Fermin - July 29, 2016 - 12:30 AM

BLIND ITEM F-M 0729

MATINDING insecurity ang itinuturong dahilan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang pagsasama ng isang dating tambalan na inakala ng mas nakararami na may matibay nang pundasyon.

Kahit pala nu’ng hindi pa pumuputok ang kuwento ng kanilang paghihiwalay ay hinuhulaan na ng kanilang mga katrabaho na du’n mauuwi ang lahat. Walang ibang kauuwian ang kanilang pagsasama kundi sa hiwalayan lang.

Kuwento ng isang source, “Nakakaawa ‘yung babae, walang katahimikan ng kalooban. Tawag nang tawag ‘yung lalaki habang nagtatrabaho siya!

“Kapag hindi siya agad nasagot ng girl dahil nakasalang ‘yung tao sa eksena, e, nagagalit na agad ang guy, kung anu-ano na ang sinasabi niya sa girl, nakikipaglandian daw siguro siya sa kung sinu-sino kaya hindi niya nasasagot ang tawag o text ng mister niya,” napapailing na kuwento ng aming impormante.
Naturingang masayahin ang female personality pero may mga pagkakataong nakikita na lang siyang umiiyak ng kanyang mga kasamahang artista. Minsan naman ay nakita siyang nakatulala ng mga staff ng produksiyon.

“Sino ba naman kasi ang magiging masaya sa buhay kung ang partner mo, e, super-seloso na, may matinding insecurity pa? Hindi na lang niya isipin na masuwerte nga sila dahil meron pa silang project hanggang ngayon.

“Abalahin ba ang misis habang nagpapakahirap sa pagtatrabaho? Sitahin ba ang girl habang work nang work? Sa halip na bigyan niya ng pampaalis ng stress ang misis niya, e, puro sama ng loob pa ang ibinibigay niya!

Naku, Bradly Guevarra, kailangan mo pa bang i-memorize kung sino ang magdyowang itey? Ang sob rang pagiging seloso at insecure talaga, e, parang lason na pumapatay sa isang relasyon!” pagbibigay pa ng clue ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending